Nakikinig si Acer sa usapan nina Siena at Yana. Nakauwang ang pinto kaya kitang-kita niya ang mga ito at rinig na rinig niya ang mga sinasabi ni Yana sa kanyang anak. Hindi niya alam kung pakana lamang iyon ni Yana dahil alam nito na nakikinig siya o sadyang totoo ang pagmamalasakit nito sa anak niya. Hindi naman iyon taliwas sa kanyang mga nakikita. Inaalagaan nang wasto ni Yana ang kanyang anak. Ginagawa nito ang lahat para lamang mapasaya ito. Ngunit kailangan niyang makasiguro na hindi nagbalik si Yana sa buhay nilang mag-ama para lamang makaganti. Iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Raniyel. Nagdududa din siya noon ngunit pinalampas niya iyon dahil sa galit niya kay Yana. Ngayong naungkat ulit ni Raniyel ang tungkol doon baka tama nga ito na may hindi tamang nangyari sa pagkakakulo