"Oh, bakit mukha kang giraffe diyan? Kanina pa kita pinapanood na halos humaba na ang leeg mo sa pagtanaw sa ginagawa ni Yang sa may swing. Bakit hindi mo siya puntahan nang malaman mo kung ano ang ginagawa niya sa bago niyang cellphone?" pang-aasar na tanong sa kanya ni Raniyel. "Naiinis lang ako dahil kung sagutin niya ako parang siya ang boss at ako ang tauhan niya." Sumandal ito sa kanyang tabi. "Ang sabihin mo nagseselos ka lang dahil akala mo madaling mapaibig ang isang ex-con na katulad ni Yana Romualdez. Acer, galing iyan sa loob ng kulungan. Matalinong tao si Yang, alam na alam niya na gusto mo lang siyang paglaruan. Kung ako sa iyo, aminin mo na lang na nagkakagusto ka na sa kanya." Matalim niyang binalingan si Raniyel. "Siraulo ka ba?" "Nagsasabi lang ako ng totoo, Acer. Kan