NASA office si Acer at abala sa mga pagpirma ng mga working sheets na kailangan ngayon sa company niya. Gumawa ulit siya ng panibagong proposal kay Mister Amara upang makumbinsi ito na hindi niya kailangan na pakasalan si Femie para lamang maging mataas ang production sales nila. Abala siya sa trabaho ngunit sumasagi pa rin sa isip niya si Yana. Hindi niya rin ito natiis kanina at kahit na naaasar siya at nagagalit dito mas nanaig pa rin ang kagustuhan niya na mapasaya ito. Hindi na niya maintindihan pa ang kanyang sarili. Sa mga ikinikilos niya mukhang siya ang talo dahil si Yana, may iba itong gusto at si Calvin iyon at hindi siya. Bumuga siya nang malalim at umiling. "Acer," mahinang sabi ni Femie kasabay nang pagbukas ng pintuan. Hindi niya ito tinignan at ipinagpatuloy ang kanyan