Pumayag si Yana na maging private assistant ni Don Antonio. Ngunit bigla niyang naalala ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Mayaman ito at alam niyang may mga koneksyon paano na lamang kung malaman ni Don Antonio na isa siyang ex-convict? Sigurado siya na magagalit ito sa kanya. Habang kumakain ng pananghalian ay inisip na kaagad ni Yana ang dapat niyang gawin. Nakaharap siya kay Don Antonio na kumakain din ng pananghalian. Nandito sila sa kusina at sa mahabang lamesa nakahain ang masasarap na ulam. Nasa isang dosena ang bilang ng mga upuan na gawa sa muwebles pati na ang mahabang lamesa na may mga dekorasyon na bulaklak. Nalungkot si Yana habang nakatingin kay Don Antonio. Mag-isa nito sa ganitong kalaking bahay. Hindi rin pala masaya ang maging isang mayaman. Matapos silang kuma