Ramdam na ramadam ni Yana ang pananakit ng kanyang bewang. Masama ang pagkakabangga niya kanina. Inakala niya na sasakyan iyon ng matandang mayaman na tinulungan niya pero nagkamali siya. Iba pala ang may-ari ng kotse kun'di si Acer. Muntik na siya kanina mabuti na lang talaga hindi siya napuruhan kun'di sa lupa ang bagsak ng plano niyang paghihiganti. Imbes na si Acer ang makakasama niya si K*matayan ang magiging ending niya. Sinulyapan ni Yana si Acer na nasa tabi lamang niya. Napatawa niya ito sa simpleng mga banat niya. Naiinis siya pero kailangan pa rin niyang magpanggap na masaya. Kung p'wede nga lang sana na gumanti na lang ng halik. Tsk! Bakit ba iyon ang naiisip niya? "Okay ka lang ba talaga, Yang? Kung gusto mo dalhin na lang kita sa clinic?" tila nag-aalalang sabi nito haban