Kabanata 11

1367 Words
"Nag-enjoy ba ang apo ko?" Si Lolo Antonio na kakadating lang kung kailan natapos na ang birthday party ni Siena. "Yes, 'lo. Napagod siya sa mga ipinagawa ng clown sa kanya kanina iyong Mimiyarn ang pangalan," sagot ni Acer na hindi tumingin sa kanyang lolo. "Narinig ko na nagkukuwentuhan sina Yaya Juris at Manong Harold sa labas. Nagsalita raw si Siena? Magandang senyales iyan, iho. Kailangan siguro ng apo ko ang clown na iyon dito sa bahay mo." Heto na naman si Lolo Antonio. Gusto na naman nitong pakialaman ang buhay nila ng kanyang anak. "Isang salita lang naman ang nabigkas niya. Nagkataon lang siguro na gusto niya ang mga jokes ng clown na iyon at hindi ng clown mismo," malamig na tugon ni Acer dito. "Iho, hindi lang siguro nagkataon iyon. Gusto ni Siena ng may nakakausap siya katulad na lamang ng nangyari kanina," giit nito sa akin. Nagtungo ako sa receiving area ng bahay ko at sumunod naman ito sa akin. "Acer, kailangan ni Siena ng kausap. Iyon marahil ang solusyon para makapagsalita na siya ng diretso. Hayaan mo sana na ako ang gumawa ng paraan para sa apo ko. Kung kailangan ko ng maraming clown para sa kanya, gagawin ko. Gusto kong maging normal ang buhay ng apo ko, Acer. Huwag mo akong kokontrahin dahil hindi na ako natutuwa sa mga desisyon mo sa buhay!" sermon nito sa kanya habang itinutoktol ang tungkod nito sa sahig. Alam na ni Acer na galit na galit na sa kanya ito. Hindi na lang siya kumontra dito dahil malaki ang utang na loob niya rito. Nagsilbing magulang na niya ang kanyang Lolo Antonio at hindi na niya p'wedeng kontrahin ito kapag galit na galit na at baka madamay pa siya. "Kung ganoon ang mabuti pa po siguro, dito na lang kayo mag-stay. Gabi naman na at mahirap na rin kung mag-drive pa si Manong Edu." "Mabuti pa nga, iho. Sumisikip lamang ang dibdib ko sa iyo! Mabuti na lamang at may nagpapagaan sa pagtibok ng puso ko nitong nakaraan." "Tungkol na naman ba sa nakilala ninyong babae, 'lo? Hindi naman sa minamasama ko ang pag-ibig ninyo pero parang hindi na magandang tignan." "Hindi ko na pinapakialaman ang tungkol sa love life mo, Acer. Hayaan mo na lang ako na gawin ko naman ang gusto ko. Doon na ako tutuloy sa guestroom. Ah, oo nga pala. Naiwan ko sa bahay iyong mga gamot ko. P'wede mo ba iyong kunin?" Nailing na lamang si Acer. "Okay sige, 'lo. Magpahinga na kayo." Bumuga siya nang malalim bago kunin ang susi ng kotse niya. Nakasalubong niya si Manong Harold sa garden na kasama ni Manong Edu na kumakain. "Manong, nasaan iyong kotse?" nagtatakang tanong ni Acer dito. "Sir, ipinaayos ko sa talyer. Hindi ko pala nasabi sa inyo na pumutok ang gulong no'ng kotse habang pauwi ako rito. Kailangan na ba ninyo, sir? Kukunin ko muna sandali?" aligagang tanong ni Manong Harold. "Iyong sasakyan na lang ni Don Antonio ang gamitin natin, sir. Ihahatid ko na kayo," sabi ni Manong Edu na ibinaba ang kinakain nito sa lamesa. "No, it's okay. Ako na lang ang magdra-drive. Dito na mag-stay si Lolo at si Manong Harold na ang bahala sa inyo. Sandali lang naman ako dahil kukunin ko lang ang mga gamot ni Lolo." Sa kabilang subdivision lamang naman ito nakatira at magkalapit lamang sila. Ibinigay ni Manong Edu ang susi ng kotse at saka siya sumakay doon. Tinahak ni Acer ang daan palabas ng vicinity ng bahay niya at palabas ng subdivision. Huminto siya sa may intersection para tignan kung may makakasalubong siyang sasakyan kapag lumiko siya. Nang paandarin niya ang kotse ay bigla na lamang may tumawid at nabangga niya. Naihampas ni Acer ang kanyang kamay sa manibela ng kotse. Kaagad siyang lumabas ng sasakyan at tinignan ang nabangga niya. Isang babae na nakasuot ng black hoodie jacket, black pants at may dalang bagpack. Inilagay ni Acer ang kamay niya sa may leeg ng babae. Kinakabahan siya habang ginagawa iyon. "Mi-Miss?" Nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman na may pulso pa ang babae. Dahan-dahan itong gumalaw at tumingin sa kanya. "Ikaw?" malakas na sambit ni Acer nang makita si Yang sa harapan niya. Tumayo ito na hawak-hawak ang bewang. Nakangiwi pa ito sa sakit na nararamdaman nito habang nakatingin sa kanya. "Sir? Pambihira naman, sir. Sasagasaan mo ba ako? Hindi ka marunong magmaneho ng kotse." "Ako pa ang may kasalanan? Miss, ikaw ang biglang sumulpot kaya nabangga kita. Mabuti nga at hindi kita napuruhan, e." Nagkasalubong ang kilay nito. "Balak mo na akong patayin, sir?" seryosong tanong nito sa kanya. Kinilabutan si Acer sa sinabi ni Yang. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Inalalayan niya ito na makaupo sa gilid ng daan. Umupo din si Acer sa tabi nito. "Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? Kailangan mong magpa-xray baka nabalian ka? Dito ka rin ba nakatira? Ihahatid na kita," sunod-sunod na tanong ni Acer dito. Hindi sinagot ni Yang ang mga tanong niya. Nakakuyom lamang ang kaliwang kamay nito habang nakatingin sa kanya. "Galit ka ba sa akin? Gusto mong magdemanda?" "Hindi ko ugaling magdemanda kung alam ko naman na inosente ka, Sir Acer." Naguluhan siya sa sinabi nitong iyon. "What do you mean?" Ngumiti si Yang sa kanya at 'tsaka nito ikinurba ang bewang. "Okay na ako. Kasalanan ko naman dahil bigla na lang akong tumawid kanina." "No, it was my mistake. Hindi ko napansin na tumawid ka." Hinawi ni Yang ang buhok nitong nakatabing sa mukha nito at saka tumingin sa kalangitan. "Alam mo medyo naiinis na rin ako, sir. Hindi ko na alam kung bakit palagi na lang tayong nagkikita." Tumingin si Yang sa kanya ay nagtama ang kanilang mga mata. "Ikaw ba, sir? Iyon din ba ang nararamdaman mo?" "Ha?" Bumilis ang t***k ng kanyang puso. "Sir?" Inilapit ni Yang ang mukha nito sa mukha niya. Gusto ba siya nitong halikan? Inilayo niya ang sarili dito. "Dadalhin kita sa hospital kung kinakailangan. Halika na." Inilahad niya ang kamay dito para makaiwas lang sa binabalak nito sa kanya. "Hindi ako naniniwala sa destiny. Lahat ng nangyayari ngayon hindi itinadhana kun'di nagkataon lamang na mangyari." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Yang sa sinabi niya. Akala siguro nito nakakalimutan niya ang ginawa ng kaibigan nito sa kanya. Modus siguro nito ang paibigin ang mga lalaking mayayaman na katulad niya. Nagkamali si Yang na isipin n mauuto siya nito dahil hindi siya interesado sa gusto nitong mangyari. HINDI nagpahatid sa kanya si Yang. Hindi rin ito pumayag na dalhin niya ito sa hospital. Umalis si Acer sa intersection at iniwan niya roon si Yang. Nakita niya ito na nananatiling nakaupo lamang sa gilid ng kalsada. Inaakit siya nito. He knew it. Hindi niya alam kung aksidente ba ang pagkikita nila ngayon o talagang sinusundan siya nito. Ilang araw na niya itong hindi nakikita sa mini grocery. Ngayon lamang sila ulit nagkita. Iniatras ni Acer ang kotse upang balikan si Yang. Bumaba siya ng sasakyan at tumayo sa harapan nito. "Halika na. Delikado ang tumambay sa lugar na ito ng matagal." Inilahad ni Acer ang kanyang kamay sa harapan ng babae. Tinanggap naman nito iyon na may ngiti sa mga labi. Nang magkadaop palad sila ni Yang kakaibang kaba ang kanyang naramdaman. "Sa mini grocery ka rin ba pupunta, sir? Malapit lang doon ang bahay ko," sabi nito nang makasakay na sa loob ng kotse. Sinulyapan ni Acer si Yang na nasa kanyang tabi. Bakit parang sinasaksak ang puso niya habang nakatingin siya rito? "Sir, okay lang ba kayo?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Yang, ang pangalan mo 'di ba? Gusto kong malaman kung okay lang sa iyo... a-ano ang tunay na pangalan mo?" "Esmeralda Natividad Arelyano, sir." Kinagat ni Acer ang kanyang ibabang labi at itinuon sa daan ang kanyang mga mata. Nagkakamali lamang siya ng hinala. "Bakit, sir? Ki-Kilala po ba ninyo ako?" Umiling siya rito. "No. Hindi kita kilala, Yang. May naalala lang ako at impossible naman na ikaw nga ang taong iyon." Tumawa naman ito sa sinabi niya. "Huwag mong sabihin na may kamukha akong past lover mo, sir." Nahawa siya sa malutong na pagtawa nito. Siraulo nga talaga ang babaeng ito. I liked her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD