"Tita, p'wede ko po bang malaman kung... kung bakit hindi man lamang ninyo ako dinalaw sa kulungan noon?" malungkot na tanong ni Yana sa kanyang Tita Olga na nagbibihis dahil aalis na raw ito kasama ni Aling Flores na naghihintay na sa labas ng bahay. "Bakit mo naman itinatanong iyan sa akin, Yang? Hindi ba malinaw na kaya hindi kita dinadalaw sa presinto ay dahil sa kahihiyan na idinulot mo sa pamilya natin? Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit hindi ko pinag-aaksayahan na dalawin ka dahil hindi mo alam ang kahihiyan na ginawa mo sa pamilya natin. Hindi ka na naawa sa akin at sa mga magulang mo," seryosong sabi nito na talagang pinaninindigan ang kasinungalingan nito sa kanya. "Tita..." "Huwag ka na ngang magdrama diyan, Yang. Tumayo ka na at magtinda ka para mamaya may maibigay ka sa