Hindi makontak ni Acer si Yana. Naiinis na siya dahil hindi siya kinakausap nito matapos nilang makauwi. Hindi niya alam kung nasabi na ni Mister Philip ang tungkol sa naging usapan nila kay Yana. Iniisip niya na baka nagalit nga ito sa kanya dahil pinangunahan niya ito. Gusto lamang niyang sabihin kay Mister Philip ang totoo dahil gusto niyang patunayan ang kanyang tapat na hangarin para kay Yana. Napansin ni Manang Juris ang kanyang pananahimik habang nakaupo siya sa may gilid ng swimming pool at pinapanuod ang kanyang anak na lumalangoy. Hawak niya ang kanyang cellphone at kumukuyakoy pa sa tubig. "Sir, may problema po ba kayo?" usisa nito matapos ilagay sa may gilid niya ang tray na may laman na juice at pancake na merienda ng kanyang anak. "Wala naman, manang. May hinihintay lang