"So, magmumukmok ka na lang diyan, girl? Nakita mo naman siguro kung paano lumingkis si Yana sa bewang ni Acer," naiinis na sambit sa kanya ni Angel sa kanya habang nasa isang cottage sila at tinatanaw sina Acer at Yana na naghaharutan sa cottage na may sampung metro ang layo sa kanila. "Akala ko ba hindi pinatulan ng half sister mong ex-con si Acer?" naiinis naman na tanong sa kanya ni Kate. "Akala ko rin, Kate. Hindi ko alam na wala naman pa lang isang salita si Yana. Gusto talaga niya akong magalit ng sobra sa kanya," nagngingitngit na aniya. "Naniwala ka naman sa sinabi ng kapatid mo, Fem?" Tumaas ang kilay ni Angel. "Kung ako sa iyo bibigyan ko ng leksyon si Yana." "I know!" malakas na aniya rito. Tinaasan niya ng isang kilay si Angel. "Huwag mo nga akong pangunahan dahil mas alam