Hindi malaman ni Acer ang kanyang gagawin. Kung hahabulin ba niya si Yana o hahayaan muna ito na mapag-isa. Naiintindihan ni Acer kung bakit galit na galit si Yana sa kanya dahil kasalanan din naman nila iyon ni Marie. At tama ito, hindi na nila pinaimbestigahan na mabuti ang kaso ni Yana. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag dahil sa galit niya rito noon. Nasabi na niyang mahal niya ito ngunit hindi tinanggap ni Yana ang pagmamahal niya. Nasasaktan si Acer dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat na gawin. Nasa proseso pa lamang ang kaso ni Yana. At wala pang malinaw na ebidensya na makakapagturo na wala nga talaga itong ginawang kasalanan. Isinuklay ni Acer ang kanyang mga kamay sa buhok niya. Sinuntok niya ng malakas ang sandalan ng upuan sa cottage. Sa laka