Makalipas ang tatlong araw na pananatili niya sa bahay ni Dylan tila na niya nakasanayan ang araw-araw na gawain at nag e-enjoy siya. Siya ang naghahanda ng pagkain para sa asawa, mula almusal hanggang dinner. Natutuwa at unti-unti naman siyang nasasanay sa ginagawa. Sa tuwing umuuwi ang asawa galing ospital may pasalubong ito sa kanyang bulaklak. Tinatanggap naman niya pero hindi niya pinahahalatang excited siya at bahagyang kinikilig. Ganitong-ganito ang ginawa ng asawa sa kanya noon, kaya lalo siyang nahulog rito, dala na rin ng kabataan niya kaya inamin niya kay Dylan noon ang nararamdaman niya para rito. Bagay na pinaka pinagsisisihan niya. Dahil doon nag take advantage sa kanya ang asawa. Sinamantala nito ang damdamin niya para rito para mapadali ang mga plano nito. "Huwag kang papa