MATAPOS pindutin ni Raven ang end call sa kaniyang cell phone ay unti-unti niyang ibinaba ang kamay. “Wala ka pa rin bang balak na pumasok sa loob, babe?” “Marylou, get your hands out of me.” “Why? Matapos mo akong iwan sa loob? No.” Para iyong batingaw sa pandinig ni Raven na paulit-ulit niyang naririnig. Marylou… Palaisipan pa rin sa kaniya kung sino nga ba si Marylou sa buhay ni Lhorde. At magkasama pa ang dalawa sa party na kinaroroonan ni Lhorde. Babe… Ipinilig ni Raven ang kaniyang ulo. Tanda niya na iyon din ang pangalan ng babaeng binanggit ni Renzo noong marinig niya ang usapan ng mga ito sa mismong dorm unit ni Lhorde. Na bumalik na nga raw sa bansa si Marylou. Bigla, ginulo ng pangalan na iyon ang kaniyang buong sistema. Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang muli