ARAW-ARAW yatang kinarir ni Lhorde ang panliligaw kay Raven. Tuwing umaga bago sila pumasok sa school ay kung ano-ano pa ang ibinibigay nito sa dalaga. Mayroong bulaklak, stuffed toys, chocolates at kung ano-ano pa. Isa sa patunay na seryoso ito sa panliligaw sa kaniya. Maya’t maya rin kung mag-text para mangamusta sa kaniya o ‘di kaya naman ay magtanong kung ano na ang ginagawa niya. Daig pa iyong LDR couple na malayo sa isa’t isa. Samantalang magkasama naman sila tuwing umaga, tanghali at hapon. Madalas, kapag dinner ay sa labas sila kumakain ng magkasama. Kung sa dorm kasi ay hindi naman ito makasabay sa kaniya dahil din sa pananaway niya rito na masyadong ginagamit ang pagiging Ellison nito kaya naman nababaliwala ang rules sa dorm for girls na bawal magpapasok ng lalaki. Ayaw naman