NGUNIT hindi pa tuluyang nakakalayo si Raven nang bigla na lamang may mag-alis sa kaniyang suot na face mask. Nang mag-angat siya ng tingin ay saka lang niya nakita sina Garette. Tumaas pa ang kilay nito. “Sinasabi ko na nga ba, eh. Ikaw ‘yan, Raven,” ani Garette na tumawa pa ng nakakaloko. “Ang galing ni Lhorde, ‘no? Pero bakit hindi ikaw ang unang lumapit sa kaniya? Why? Dahil hindi naman ikaw ang totoong girlfriend ni Lhorde, right?” At nang makita siya ng ibang mga ka-schoolmate nila ay natuon din lalo sa kaniya ang tingin. “How is it? Makita mong ibang babae ang yumakap at humalik sa kaniya?” Wala siyang panahon para makipagtalo o ano pa man kay Garette o sa kung sino man. Ang gusto lang ni Raven ng mga sandaling iyon ay ang makalayo na muna sa lugar na iyon. Ngunit akmang lalamp