Chapter 70

1213 Words

HINDI na halos tinapos pa ni Lhorde ang party. Nag-aya na rin ito kay Raven na aalis na sila. Anito pa sa kaniya ay umiiwas ito dahil sunod niyon ay mag-iinuman na ang mga ka-team nito. Bagay na ayaw nitong gawin lalo na at kasama siya. Isa pa, ito ang mag-da-drive pauwi sa sasakyan nito. “Hindi ka ba umiinom?” tanong pa ni Raven kay Lhorde habang nagmamaneho ito ng sasakyan nito. “Hindi. Kahit sabihing occasionally. Siguro kaunting sip lang ng red wine or champagne.” “Pero si Renzo game na game sa inuman. Buti hindi ka niya na inpluwensiyahan?” nangingiti pa niyang tanong. Napangiti rin si Lhorde. “Hindi. Alam din naman niya na wala akong kahilig-hilig. Ang good boy ko ‘no?” anito na nagpa-cute pa sa kaniya. “Sobra,” sang-ayon pa niya. Hindi na yata naalis ang ngiti sa labi ni Raven

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD