“CURFEW na sa dorm natin, Lhorde,” untag ni Raven sa kaniyang nobyo. Nobyo… may kiliting dulot sa kaniya ang katotohanang iyon. Sila na talaga ng lalaking dati lamang ay tahimik niyang pinapantasya. “Bakit ang bilis ng oras kapag ikaw ‘yong kasama ko?” baling sa kaniya ni Lhorde. Napangiti siya. “Ganoon siguro talaga kapag masaya kayong magkasama ng taong mahalaga sa iyo.” Dahil maging siya man ay nabibilisan din sa takbo ng oras. “Kung puwede lang patigilin ang oras,” anas pa nito. “Palagi naman tayong magkasama,” aniya rito. “Iba pa rin ‘yong wala kang hinahabol na oras,” katwiran pa ni Lhorde. “‘Yong at least, makasama kita ng straight na twenty-four hours. Ayaw mo ba ng ganoon?” Gusto rin niya. Pero alam naman niya na imposible. “Imposible pa ‘yan sa ngayon,” aniya rito. “Sund