NANIBAGO pa si Raven dahil si Lhorde naman ang tahimik hanggang sa maihatid siya nito sa dorm for girls. “Thank you,” aniya nang pagbuksan siya nito ng pinto sa kotse nito. “Sabay tayong papasok sa umaga bukas. Kaya ‘wag kang mauuna. Kaninang umaga, nauna ka na,” wika pa ni Lhorde. “Eh, hindi ko naman alam na naka-kotse ka,” katwiran niya. “Hindi ka rin naman nag-text o tumawag para i-inform ako na sabay pala dapat tayo,” ani Raven na nag-iwas ng tingin. “Nawala rin sa isip ko. Forget it. Tapos na ‘yon,” ani Lhorde na isinara na ang pinto sa may passenger side. “Pasok na ako sa loob,” paalam na niya rito. Tumango lang si Lhorde. Nang maglakad na si Raven papasok sa lobby ng dorm for girls ay inihatid pa siya ng tanaw ni Lhorde. Saka lang ito sumakay sa kotse nito nang mawala na siya