MATAPOS maihanda ang lunch ni Lhorde ay ipinasya na rin ni Raven na pumunta sa gym. Mas maaga siya kaysa sa inaasahan ng binata. At hindi lang lunch ni Lhorde ang dala niya. Naroon din ang inihandang pagkain ni Chef Luhan para sa kaniya. Gusto niyang sabayan si Lhorde para naman hindi ito mag-isa. At labas sa intensiyon niya na iyon ang peke nilang relasyon. Gusto niyang makasabay sa tanghalian si Lhorde nang bukal sa kaniyang puso at hindi pakitang tao lang sa mga audience nito. Pinagtitinginan pa siya ng mga nakakasalubong niya nang makarating siya sa may gym. Dere-deretso lang si Raven sa paglalakad hanggang sa makakuha siya ng mauupuan sa hindi naman kalayuan sa pinaglalaruan nina Lhorde. Kasalukuyang naglalaro ang team nito ng basketball. Paghahanda para sa laban ng mga ito kontra s