PAKIRAMDAM ni Raven, para bang sumikip lalo ang mundo niya ng dahil sa aksidenteng halik na nangyari sa pagitan nila ni Lhorde. At dahil sa nangyari na iyon, ramdam niya ang ilangan na nangyari sa pagitan nila ng binata. Maging ang mga nakasaksi ng sandaling iyon sa may gym, mga hindi rin inaasahan ang moment nilang iyon ni Lhorde. Kahit naman siya, hindi rin niya iyon lubos na inaasahan. Napaka-perfect ng timing dahil sa harapan pa talaga ng mga fans ni Lhorde nangyari ang eksenang iyon. Lumipas ang buong linggo na may ilangan sa kanilang pagitan. Siguro, nahihiya rin sa kaniya si Lhorde. Kaya naman pati kakulitan nito minsan ay nawala rin. Gumulong si Raven sa kaniyang kama at isinubsob ang kaniyang mukha sa unan. Matapos ang weekend at maging abala na naman sa kaniyang klase si Rave