Chapter 66

1121 Words

MATAPOS mag-dinner ni Raven ay dumiretso siya sa rooftop ng dorm for girls at doon ay hinintay ang paglubog ng haring araw. Hindi pa siya natatagalan doon nang mag-ring ang kaniyang cell phone. Si Lhorde ang tumatawag. Sinagot niya iyon bago muling ibinalik ang tingin sa malayo. “Yes, Young Master?” bungad pa niya sa binata. “Raven,” tunog pananaway na naman ni Lhorde kay Raven. “Napatawag ka?” sabi na lamang niya. “Tinatamad akong mag-text, eh. At saka—” “Marami akong load,” pang-aagaw ni Raven sa litanya ni Lhorde na bahagya namang ikinatawa ng binata mula sa kabilang linya. “Alam mo naman pala,” ani Lhorde. “Ano nga? Bakit tumawag ka?” “Wala naman. Nakita lang kita na nasa rooftop na naman.” May kunot sa noo na napabaling siya ng tingin sa dulong building. May lalaki nga roon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD