WALA MANG naririnig na pag-uusap, sapat na ang mga tinging ipinupukol sa kaniya ng mga tao para maramdaman ni Raven na parang may mali. O ‘di kaya naman ay may issue na namang bago at siya ang main topic. Ang nangyari pa rin ba kaninang lunch break ang main topic ng mga tao? Sigurado siya na malalaman niya kung ano iyon oras na mag-join siya sa private group ng Ellison University sa Facegram. Mga estudyante lang sa Ellison ang maaaring mag-join sa naturang private group. Doon makikita ang mga trend sa university. Kung ano ang in o ‘di kaya naman ay latest issue. Nangangati tuloy ang kamay ni Raven na sumilip na sa Facegram. Dangan nga lamang at ongoing pa ang kaniyang klase. Kinahapunan, mas lalong nanibago ang pakiramdam ni Raven dahil paglabas niya sa department building nila ay nakaa