PINAGMAMASDAN NI MAE ang guwapong mukha ng natutulog na si Rafael. He had all these tubes and medical aparatus attached to him that it made him looked like some sort of an alien experiment. Bawat pag-angat ng dibdib nito sa paghinga, tila ba hirap na hirap din ang breathing aparatus na gawin iyon para sa binata. Ilang beses siyang napalunok para lang alisin ang tila nakabara sa lalamunan niya na nagpapasakit lalo sa puso niya. “Why do you have to give up everything…” pabulong niyang sambit. “Was that love really worth your life?” “Yes…” Unti-unting nagmulat ng mga mata ang binata. “Everything about you…is worth it…” “Rafael…” Naiyak na naman si Mae. Gusto man niya itong hawakan, natatakot siyang baka masaktan lang niya ito. “Akala ko…akala ko…” “Hey, don’t cry.” Inalis nito ang oxygen