“RAFAEL!” Napalingon-lingon sa paligid si Mae sa paghahanap sa binata. Pero wala siya sa ospital kundi nasa kwarto pa rin niya sa kanilang mansyon. Nakatulog na pala siya nang hindi niya namamalayan dahil sa pagod sa paglilinis ng kanyang silid. Idinampi niya ang mga daliri sa kanyang pisngi nang maramdaman ang paglandas ng mainit na likido roon. Luha. Umiiyak siya kahit sa kanyang panaginip. At mukhang maiiyak na naman siya nang maalala kung ano ang napanaginipan niya. Kaya ipinasya niyang magpa-book ng Uber na maghahatid sa kanya sa ospital. Matapos makapaglinis ng katawan ay lumabas na siya ng silid para hintayin na lang sa labas ng gate ang sundo niya. Wala na siyang naabutang tao sa sala at medyo may kadiliman na rin dahil patay na ang ilang ilaw doon. “Gabi na pala. Anong oras na