ANG dalawang araw nila ng ama sa dagat ay puno ng saya. Ganunpaman, pakiramdam ni Troy ay kulang pa rin, kaya lang kailangan na nilang bumalik sa Manila. Masasabi rin niyang isa iyon sa pinakamasayang karanasan sa buong buhay niya. “Dad, kapag hindi po tayo parehong abala sa trabaho, nais kong bumalik dito. Gustong-gusto ko talaga ang ganitong lugar—malayo sa gulo ng paligid at walang polusyon ang hangin. Pero sana sa susunod, kasama na natin sila. Siguro mas masaya po kung ganun,” wika niya sa ama habang nakangiti. “Sure, son. Next time, paghahandaan natin para makasama ang mga kapatid mo.” “Salamat po, Dad. Ako na po ang bahala sa mga gamit natin. Sumakay ka na sa loob para makapag pahinga ka,” wika ni Troy, napansin ang pagod sa mukha ng ama. Sa kabila nang pagod, parehong masaya an

