ALIMPUNGATAN si Troy, nang magmulat ng mga mata. Ang akala niya nananaginip pa rin siya; nakatayo ang ama sa gilid ng kama. Kaya muling pumikit at saka dumilat, naroon pa rin ito at nakatingin sa kanya, kaya bumangon na lang siya. “D-Daddy… sorry, akala ko talaga nananaginip pa rin ako.” Nag-aalangan ang tinig niya, parang hindi pa rin makapaniwala. “Ayos lang, anak.” Napakamot sa ulo si Froilan, halatang naiilang. “Ahm… kaya ako narito, yayayain sana kitang mag-fishing. K-kung hindi ka busy, siyempre. Wala rin naman akong gagawin ngayon, eh.” “Naka-leave pa naman po ako,” sagot ng anak na may ngiti. “May one week pa bago ako bumalik sa trabaho.” Sandaling natahimik ang mag-ama, bago muling nagsalita si Froilan. “So… fishing tayo?” “Opo, Dad. Magpapaalam lang po ako kay Moneth.” Di

