“HOY.” Tiningala ni Dominique ang nagsalita. Diosa, her highschool friend and the notorious twin’s sister, sat on a visitor’s chair in front of her table. “Tanghali na nakangudngod ka pa rin diyan sa trabaho. Magpahinga ka nga muna. Teka, nagkita na ba kayo ni Zell the idiot?” Padabog niyang ibinaba sa table niya agn mga papeles na hiningahan lang niya dahil imbes na basahin ang mga iyon ay hinahayaan lang niyang magpakalat-kalat sa kanyang mesa. Pinilit niyang matulog ngunit hindi naman din makapagpahinga ang utak niya. “Huwag mo ngang mabanggit-banggit ang pangalan ng ugok na iyon. Lalo lang nasisira ang araw ko.” “Okay, sige. Ako na lang ang pag-usapan natin. Dyaraaann!” Inilahad nito sa kanya ang kamay nito. “O, tapos?” Itnaas naman nito sa pisngi ang kamay nito na tila