“SAAN KA natulog kagabi?” bungad ni Neiji kay Dominique habang nag-aagahan siya sa dining area ng Stallion Guesthouse. Doon tumutuloy ang mga guests ng club dahil ang mga members lang ang may sariling pag-aaring resthouse doon. “Buong magdamag ba kayong magkasama ni Zell? Did you use protection? Alam mong wala pa sa angkan natin ang nabubuntis bago magpakasal—“ Binato niya ito ng table napkin. “Huwag mo akong igaya sa iyo. Hindi tayo magka-level.” “Bakit, anong level ka na?” “Ewan ko sa iyo.” Dumampot si Dominique ng tinapay at humigop ng kape. “May sakit si Zell. Binantayan ko siya magdamag kaya hindi ako nakauwi kagabi.” “O, akala ko ba nag-date kayo?” “Oo nga. Pero may sakit na pala siya nun at hindi niya sinasabi. Kaya nang malaman ko, idiniretso ko na agad siya sa clini