ABALA SI Dominique sa pag-aasikaso ng mga scheduled tours para sa mga kliyente nila sa kanilang travel and tours agency. Bakasyon na kasi kaya marami na ang nagpapa-book sa kanila sa iba’t ibang destinasyon sa buong bansa pati na rin sa ibang bansa. Ilang araw din kasi siyang nawala roon kaya marami siyang trabahong kailangang asikasuhin ngayon. Para makabalik siya agad sa Stallion Riding Club. Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang maalala ang nag-iisang lalaking tanging dahilan ng pagbabalik niya roon. She looked at the ring on her finger and smiled. Apat na araw na silang engaged ni Zell. So far, wala siyang masabi sa kabaitan nito at pag-aasikaso. He had showed her how much he cared for him in every way. Kaya naman habang patuloy na lumilipas ang mga araw ay patuloy din ang p