SINULYAPAN NI Dominique ang relong pambisig. Thirty minutes na siyang naghihintay sa restaurant pero wala pa rin si Zell. Kunsabagay, masyado naman kasi siyang napaaga ng dating doon kaya siguro ay medyo naiinip na siya. Inabala na lang niya ang sarili pagbabasa ng librong nabili niya nang minsang mapadaan siya sa bookstore. Natandaan kasi niya ang pangalan ng author ng mga librong binabasa ni Zell at sinubukan din niya iyon. He was right. The author has a funny way of delivering the current issues of the country. Hindi nakakabatong basahin. Subalit dahil okupado rin ng ibang bagay ang isip niya ay hindi siya makapag-concentrate sa kanyagn binabasa. Hanggang sa tuluyan niya iyong ibalik sa kanyang bag. “Complimentary, Ma’m,” wika ng waiter na lumapit sa kanya upang ialok ang dala