SHOCKED PA RIN hanggang ngayon si Naarah dahil sa pagkawala ng ama. Ilang minuto lang bago nila nakuha ang mismong ospital na kinaroroonan ng ama ay sumabog na ang building na iyon. Wala man lang silang ideya na mangyayari iyon. Marahil iyon ang paraan ng mga ito para protektahan ang grupo. Basta pagkarinig ng ama na nakita na nila ang kinaroroonan ng anak ay nawala na ito sa linya maging ang camera na nakakabit dito. “Inumin mo muna ito, Arah. Padating na ang maghahatid sa atin sa ospital,” “S-si Aki?” “Don’t worry, naisakay na sila sa ambulansya para mabigyan ng lunas. Safe naman na siya kaya si Zale ang aasikasuhin natin.” Tumango siya kay Bridgette. Wala pang tatlong minuto nang dumating na ang sasakyan nila. Nasa kabilang bayan ang anak, sa isang pribadong ospital. Ang sabi mahig