BUNTONGHININGA ANG PINAKAWALAN ni Akilah bago tumingin sa baba. Nasa himapapawid sila nang mga sandaling iyon at malapit na sila sa main headquarters ng Alleanza dito sa Palawan. Dati, pumupunta siya dito para um-attend ng pagpupulong pero ngayon, hindi. Narito siya para pagdusahan ang kasalanan sa batas ng Alleanza Oscura. Nakaposas siya habang napapagitnaan ng dalawang tauhan ng organisasyon. Tinanggal din ang posas sa kan’ya nang makalabas sila sa malawak na helipad ng Alleanza Oscura building. Iginiya siya ng mga ito sa isang silid kung saan gaganapin ang botohan ng mga miyembro. Sa dinig niya, may mga nauna ng dumating. Napatingin sa kan’ya ang ilan nang pumasok siya sa silid na iyon. Naroon na ang Mayor ng Maynila na si Ice Iniguez, ang isa sa matalik na kaibigan ni Sebastian na