"Naman eh! Bakit ka nambabatok?" tanong niya habang hawak ang batok na sinapak ng kaibigan. "Gusto mong dagdagan ko pa? Susme, imbes na amuin mo siya ay pinakaripas mo pa nang takbo. Hindi na iyan uuwi habang nandito kayo." Ismid ni Franklin. "Don't worry, my dear friend. Sabi mo nga kung kinakailangang dukutin ko siya at dalhin sa MARGARITA ay gagawin ko. May permission na ang mga magulang natin kaya't gagawa ako ng paraan upang madala ko siya sa barko ni marino ngayon din." Wala na sa paningin niya ang asawa ngunit pinasunod pa rin niya ang paningin. Tama naman ang lahat. Huwag na niyang patagalin ang ganoong senaryo sa buhay nilang nag-asawa. Alam niyang mahal siya nito dahil bukod sa suot-suot nito ang wedding ring nila ay hindi galit ang nakikita niya sa mata nito. There's still a