AKESIA'S POINT OF VIEW Pinilit ko. Pinilit ko ang magpakatatag sa harapan nila pero hindi ko pa rin makaya. Ang makita ang mga kaibigan ko na parang nawala ang ilang bahagi ng katauhan nila, ang makita na hindi nila magawang tumawa at ngumiti, ang sakit lang. Sinubukan ko rin ngumiti at tumawa but I still end up being in pain like them. Nang sabihin sa akin ni Miss Chiaka ang lahat, I felt like I am dead inside. Still, I have to be strong since there are people who would lean on me. Hindi pa rin ako pwedeng maging mahina, kapag naging mahina ako, magiging mahina rin sila. I don't want that to happen so I have to say that I am okay even though I'm not. "Akesia?" Napalingon ako sa tumawag sa akin and I saw a group of freshmen. Lima sila. Tatlong babae at dalawang lalaki. "Hello,"