PART 54

2068 Words

***** JELLA ***** Halos bumuka ang dibdib ni Jella sa kaba na nararamdaman. Kahit wala namang senyales na may hindi magandang nangyari kay Deann at sa nanay niya ay hindi niya mapigilang hindi kabahan. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag nangyari ang nasa isip niya. Kung hindi sa kanyang kalandian ay dapat napuntahan niya agad sila. Hindi sana mangyayari ito. “Nahuli na tayo. Nakuha na sila,” iyak niya nang kinabig siya ni Ryver. Niyakap siya’t hinagod-hagud ang kanyang likod. “Huwag ka munang mag-isip ng hindi maganda,” alo sa kanya nito. Malikot ang tingin sa kabuong kabahayan. Nakikiramdam. Hanggang sa tinulak na nga nito si Jella at pabiglang humarap sa may pintuan. Agad nitong nadakma ang lalaking papasok dapat at pinilipit ang isang kamay saka ibinalibag sa sahig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD