***** JELLA ***** “Anong ibig mong sabihin na itatago mo lang ang kuwintas?” Bilog na bilog ang mga mata ni Eyrna na napatingin sa kanya. Hindi niya ito masisisi dahil kagabi bago sila matulog ay pumayag siya sa mungkahi nito na ibenta niya ang kuwintas upang may magamit siyang panimula sa magandang buhay. “Tapos magnenegosyo ka ng bar. At syempre ako ang magiging manager mo. Pak!” nangangarap na sabi kagabi ni Eyrna. “Ayaw mo bang maging milyonarya na?” Kulang na lang ay kutusan siya ni Eyrna sa kanyang katangahan. She sighed miserably. Lumaylay ang mga balikat. “Gusto syempre. Pero mas gusto ko na maging milyonarya na mula sa sariling pagsisikap ko. Hindi dahil sa bigay lang ng Ryver na iyon.” “Diyos ko naman, sheb. Magpapakahirap ka pa ba sa kakabukaka at kakagiling dit