PART 60

1737 Words

***** JELLA ***** “Paano naman nating malalaman ang baho ni Eusha na sinasabi mo?” nakalabing tanong ni Jella kay Lovi. Patuloy ang usapan nila tungkol sa paghihiganti nila kay Eusha... raw. Malakas ang loob nilang labanan na si Eusha pero napansin niya na parang wala pang pulido na plano si Lovi. “Simple lang, sundan natin siya kahit saan siya magpunta. Aalamin natin ang lahat ng ginagawa niya para malaman natin ang kahinaan niya,” positibong sagot ni Lovi. May linyang gumuhit sa noo niya. “Parang ang hirap naman niyon?” “Paanong mahirap, eh, wala ka naman ng trabaho?” “Ang ibig kong sabihin ay paano nating masusundan si Eusha kung lahat ng pinupuntahan niyon ay sa mga mamahaling lugar? Baka nga pagkain nga lang niyon ay libo na ang halaga.” “Eh, di magpaka-rich din tayo?” “Huh?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD