***** JELLA ***** “Ito na nga ba ang sinasabi ko, Jella. Muntik na tayong mamatay dahil sa lalaking iyon. Sinabi ko na kasi sa iyo, malas siya sa buhay natin,” sermon na nga ni Aling Reo sa anak nang mapagsolo sila sa guest room ng penthouse. Jella would have strike back but she bit her lip instead. Tahimik niyang nilapitan si Deann na himbing-himbing sa pagtulog. Tsinek niya ito sa kamay at paa. Tiningnan kung meron ba siyang hindi nakita kanina na ano mang paso o sugat nito. Napabuntong-hininga siya ng kaginhawaan nang wala naman siyang nakita. “Bukas na bukas din ay umalis tayo rito. May naisip na tayong pagtataguan. Doon tayo sa Uncle Suday mo sa Mindoro. Doon tayo magtatago. At kung hindi pa rin tayo titigilan ng Eusha na iyon ay ipapapana ko na lang siya sa mga katutubo roon n