***** RYVER ***** “You have an appointment with Mr. Salazar, sir. He wants to--” sagot sa kanya ng kanyang secretary nang tanungin niya kung anong meron pa sa schedule niya sa araw na iyon. Nakapagpasya siya kanina na dalawin niya ang kanyang office bago ang pakikipagharap niya sa kanyang asawa. “Cancel that,” hindi interesadong pamumutol niya. Wala siyang oras sa scammer na lalaking iyon. Ang lakas ng loob na offer-an siya ng produktong de lata nito raw gayong kinopya lang pala sa kakompetensya niya. Mabuti’t natiktikan agad ng investigator company at hindi siya nasuong sa napakalaking problema sana. Buhay na niya ang LOFTY Canning Food Company niya. Itinuturing niyang anak dahil buong buhay niya ay inilaan niya roon, ang natatanging tagumpay na kanyang nagawa sa tanan ng kanyang buha