***** JELLA ***** “What exactly happened, Lovi?” tanong ni Ryver kay Lovi nang nasa Malvaro Hospital na sila ni Jella. Ang motor ni Axel ang ginamit nilang dalawa upang makarating agad sa hospital. Si Axel na ang nagdala kina Aling Reo at Deann sa Grand Primea Residences kung saan talaga nakatira si Ryver. Kahit ngayong gabi lang ay doon muna ang mag-lola na sinang-ayunan parehas nina Ryver at Jella upang madaluhan nila si Lovi. Sa kasamaang palad ay nasa operating room pa rin daw si Jig ayon sa dalaga. “Paano siya nasaksak?” sinundan agad ni Ryver ang tanong. Dahil tulad ni Axel kanina na hindi siya makapaniwalang napatumba ng kung sino man sa isang palo lang sa ulo ay lalo na ngayon kay Jig. Paano’y batid niyang eksperto si Jig sa kahit anong patalim. In fact, Jig is expert sword-m