***** RYVER ***** “s**t!” Hindi pa man niya naipaparada ng maayos ang sasakyan ay halos talunin na ni Ryver ang paglabas. Nasa malayo pa lang siya ay natanaw na niya ang umaapoy na apartment ni Jella. “Axel! Axel! Dammit!” natatarantang tawag niya sa tauhan na dapat ay nakikita na niyang umaaksyon sa nangyayari pero parang wala. Kinalampag niya nang kinalampag ang gate. Kahit ang mga ibang nakatira na iba sa apartment ay parang kay sarap pa rin ng tulog. Wala pa ring nakakapansin sa sunog na lumalaki nang lumalaki. “s**t!” Wala na siyang pagpipilian, inakyat na niya ang medyo may kataasan din na gate. Nang nagtagumpay siyang makaalpas ay halos nagkadapa-dapa siya na tinakbo ang pinto. “Aw!” Namilipit nga lang siya sa hapdi nang napaso siya sa sobrang init na palang doorknob na kany