***** LOVI ***** “Salamat sa paghatid,” kaway ni Jella sa kanila nang maibaba nila ito sa tapat mismo ng gate nito. “Bye, manang. Tawag ka sa akin agad kapag mag-iba ang isip mo, ah?” sabi rin ni Lovi. Ikinaway-kaway rin niya ang kamay. Iba na ang mood niya. Kung kanina ay napakaseryoso niya, ngayon ay hindi na. Balik siya sa totoong siya. Pinaseryoso lang naman niya ang sarili kanina dahil gusto niyang seryosohin siya ni Jella. Seryoso siya sa mga sinabi kaya dapat makuha niya na kooperasyon ni Jella, tutal naman ay si Jella rin ang makikinabang sa lahat ng gagawin nila kapag nagwagi sila sa plano niya na paghiwalayin sina Eusha at Ryver. Sinaludahan naman ni Jig si Axel. “Paano mo ako nahanap?” tanong ni Lovi sa binata nang umandar na ang kotse paalis. “Sinabi sa’kin ni Axel na