***** JELLA ***** “Hi,” matabang na bati sa kanya ni Lovi nang makatawid at makalapit sa kanya. “Hi,” alanganing ganti niya. “Maayos ka na ba? Bakit nandito ka na? Hindi ba dapat nasa hospital ka pa?” “Pinakiusapan ko si Jig na ilabas na ako dahil feeling ko hindi ako sisikatan ng araw pa roon. Feeling ko any moment ay may magturok sa akin doon ng lason,” matapat na sagot ng dalaga. Tinitigan niya ito. Lovi looked very serious and worried. “Manang, dapat tayong mag-usap.” Bigla siyang natigilan. Sa tingin niya kasi ay wala na silang dapat pag-usapan pa. Maliban na lang kung aawayin na naman siya nito dahil nakita nitong galing sa kanya si Ryver. “Hindi kita aawayin kung iyon ang naiisip mo dahil kung iyon talaga ang sadya ko ay dapat kanina pa kita sinugod nang makita kong kasa