"Mabuti naman at umuwi ka na Rose," wika ni Don Vidal sa dumating na dalaga.
Huminto si Rose sa harapan ng kanyang Ama at pinakatitigan niya ito. Aaminin niyang nag-inom muna siya bago niya hinarap ang kanyang Ama.
"You're drunk," wika pa ng Don.
"Just a little Dad para naman kalmado akong magtanong sa inyo." Sagot ng dalaga na pinaglipat pa niya ang kanyang tingin sa kanyang mga magulang.
Napakunot-noo naman si Don Vidal habang naibaba ni Donya Lilian ang hawak nitong diyaryo at tumingin kay Rose.
"Bakit ba nagde-desisyon kayo about sa marriage ko? This is why ayokong manatili dito sa Pilipinas dahil sa lintik na arrange marriage na 'yan! Pinagbigyan ko na kayo sa mga blind dates pagkatapos malalaman ko inaayos niyo na ang aking marriage sa Jake Cuevas na 'yon?" Mga sumbat ng dalaga.
Namula naman ang punong-tainga ni Don Vidal indikasyon na galit ito. Tumingin naman si Donya Lilian sa kanyang asawa at agad niyang hinawakan ang kamay nito na nakakuyom.
"Hindi kita pinalaki upang bastusin lang ako, Rose!" Galit na sigaw ng Don sabay tayo.
"Honey, calm down!" Agad na namagitan si Lililan at niyakap niya si Don Vidal para hindi ito makalapit nang husto kay Rose.
"Sinasabi ko lang ang nilalaman nito!" Matapang na sagot ni Rose sabay turo sa kanyang dibdib.
Nagsukatan nang titig ang mag-ama hanggang sa mapaluha na lamang si Rose.
"Lahat sinusunod ko pero ang pag-aasawa ko ibato niyo na aa akin. Paulit-ulit ko iyong sinasabi aa inyo," garalgal ang boses ni Rose.
"Jake Cuevas is the right man for you! You can have a brighter future if he is your husband, don't you want that?!" Sabi ng Don.
"Ako lang Dad ang makapagsasabi ng right man for me! Magpapakasal ako sa taong mahal ko!" Mariing tutol ng dalaga.
"Damn it Rose! Ang pagmamahal natutunan iilang lalaki lamang ang may stable status in life kagaya ni Jake. You should be thankful at sa perfect man kita ipinagkasundo. Alam mong ganito na ang set up ng pamilya natin kaya bakit ka tumututol?" Saad ng Don na nag-aapoy ang mga matang nakatingin kay Rose.
"May karapatan akong tumutol Dad this is my life and my private decision kaya ako ang masusunod! Ako ang mag-aasawa hindi kayo kaya ako ang pipili ng lalaking makakasama ko habang buhay." Giit pa rin ni Rose sa matapang na boses.
"Itatakwil kitang anak! Wala kang makukuhang mana mula sa akin kapag sinuway mo ako tandaan mo 'yan!" Sigaw ng Don.
"Mabubuhay akong wala ang kayamanang sinasabi ninyo!" Ganting sigaw ni Rose na talagang nagalit na din.
"Ah ganoon? Mula sa araw na ito hindi ka na makakalabas ng bahay. Kukunin ko lahat ng kagamitan mo at ikukulong kita sa iyong silid! Kaya mamili ka, magpapakasal ka kay Jake Cuevas o ikukulong kita hanggang sa magbago ang iyong desisyon? I will make you starve so that you can realize your mistake." Mariing wika ni Don Vidal.
"Vidal!" Bulalas naman ni Donya Lilian na naiiyak na din.
Taas baba naman ang dibdib ni Rose dahil sa kanyang galit. Tuluyan na ding nagsilaglagan ang kanyang mga luha at kay laki na ng kanyang hinanakit sa kanyang ama.
"Kahit patayin niyo ako sa gutom hindi pa rin ang sagot ko!" Bulyaw ng dalaga.
Naningkit naman ang mga mata ni Don Vidal at sinampal niya si Rose. Hindi nakakilos si Rose na nasapo nito ang kanyang sariling pisngi. Maging si Donya Lilian ay hindi nakagalaw dahil sa pagkabigla nito nanlaki pa ang kanyang mga mata.
"Matigas ka Rose. So be it!" Mariing sabi ng Don sabay tawag sa kanyang mga bodyguard.
Inutusan ni Don Vidal ang mga bodyguard nito na kunin ang hawak na selpon ni Rose. Pati ang mga debit card nito, black card maging ang kanyang passport. Pagkatapos ay pinadala niya ang dalaga sa sariling kwarto nito. Bago nila iniwanan si Rose sa loob ng kwarto ay pinutol nila ang wire ng telepono niya doon. Isinarado ang mga bintana, ni- locked maging ang pinto ng kwarto. Nakadama ng galit at pagkamuhi si Rose pero hindi siya umatungal ng iyak. Naluha siya oo pero pinunasan niya lang iyon at pilit pinakalma ang kanyang sarili. Ayaw niyang ipakita sa lahat na mahina siya, isa siyang Lagdameo at hindi siya iyakin. Mas lalong hindi siya magmamakaawa maging sa kanyang ama para lang maibalik ang kanyang kalayaan at mga kagamitan. Never!
"Kailangan mo ba talagang gawin sa ating anak ito ha Vidal?" Umiiyak na tanong ni Donya Lilian sa kanyang asawa.
"Para matututo siya at mapag-isip-isip niya ang kanyang kamalian. Masyado ng matigas ang kanyang sungay kailangan ko ng putulin," sagot ng Don na hindi man lang mababanaag ang konsensiya sa mukha nito.
"Pero sobra naman yata Vidal! Lalo na sa sinabi mong papatayin mo siya sa gutom!" Giit naman ng Donya.
"Shup up, Lilian! Papaano matututo ang anak mo sa kanyang mga kamalian kung napakalambot iyang puso mo!" Pagalit na tugon ng Don.
Hindi naman na sumagot si Donya Lilian subalit umalis siyang kay sama nang kanyang tingin sa Don. Napabuntong-hininga na lamang si Don Vidal nang padabog na iniwan siya ng kanyang asawa.
"Help Tita, I'm grounded!" Pagsusumamo ni Rose nang matawagan niya ang kanyang Tita Dina.
Mabuti na lamang at naalala ni Rose na naisuksok niya ang ibinigay na selpon ng kanyang Tita sa secret pocket ng kanyang shoulder bag. Laking pasasalamat niya at hindi ito nakita ng mga bodyguard ng kanyang Ama. Hindi nila ito kinakapkapan sapagkat wala nga silang kaalam-alam na may isa pang siyang selpon. Mga cards niya lamang ang kinuha at ang hawak niyang selpon kanina kaya nakahinga siya nang maluwag. Sa kanyang pagmumukmok niya ay bigla niyang naalala ang selpon na galing sa kanyang Tita.
"As I expected kaya kita binigyan ng isa pang selpon. Ganyan ang gawain ng Dad mo kapag alam niyang dehado siya sa kanyang plano." Kaswal na sagot ni Dina sa kabilang linya.
Shocked si Rose bilib na talaga ito sa talas ng pag- iisip ng kanyang Tiyahin.
"Naiintindihan ko na ngayon ang purpose ng selpon na binigay niyo Tita. And thank you very much talaga I meant it!" Madamdaming sabi ng dalaga.
"You're always my baby. So, anong maitutulong ko sa'yo?" Kalmado pa rin si Dina.
"Help me to ran away please? Gusto ko sa malayong lugar I can't go abroad Dad tool my passport. And he locked me in here," pagmamakaawang muli ni Rose.
Bumuntonghininga naman si Dina.
"Please Tita? Kahit saan basta malayo dito a province place must be a good idea?" Dagdag pa ni Rose.
Naalala niyang may place ang asawa ng kanyang Tita na province. Kaya lang ay hindi pa niya napupuntahan maski minsan dahil ayaw niyang magpunta sa probinsiya.
"Okay. Packed your things and itatakas kita mamayang madaling araw. Dapat alerto ka, kung puwede huwag ka ng matulog kapag madaling araw na or midnight maybe?" Sa wakas ay sumagot na si Dina.
Laking tuwa ni Rose na napasigaw pa konti subalit agad niyang tinakpan ang sarili nito bibig. Kaya impit na lang siyang napatili dahil sa tuwa.
"Kahit anong oras Tita okay lang. Thank you you're always my hero I love you Tita Din's!" Tuwang-tuwang tugon ni Rose.
"Okay! Stay tune, bye!" Pagtatapos ni Dina sa usapan nila ni Rose at baka mahuli pa sila kapag nagtagal sila sa kanilang pag- uusap.
Napatalon- talon naman si Rose sa kanyang kama at impit na nagsisigaw dahil sa tuwa niya. Akala niya ay mabubulok na siya doon at baka maibaba niya ang kanyang mataas na pride. At magmakaawa sa kanyang ama kapalit ng pagpapakasal niya sa lalaking hindi naman niya bet. Mabilis na naglagay si Rose ng kanyang mga gamit sa katamtamang size ng kanyang maleta. Naisip niyang konti lang ang kanyang dadalhin at mamimili na lang siya sa lugar kung saan siya magtatago. Nag- alarm si Rose ng midnight time at nagpasya siyang matulog muna saglit para may lakas naman siya kahit papaano sa kanyang paglalayas.