Hindi alam ni Rose kung papaano siya naitakas ng kanyang Tita Dina. Basta ang alam niya may mga tauhan itong binilin niya para siya ay maitakas ng alas dose impunto ng gabi. Inakyat siya sa kanyang kwarto dumaan ang mga ito sa kanyang veranda nang walang nakapansin. Sa mataas na bakod pinaakyat siya doon at may nakahandang sumalo sa kanya pagkalapag niya sa kabila. Diretso sa naghihintay na sasakyan kapagkuwan ay may dalawa ng naka- racer car na single ang sumunod sa kanila. Tumigil sila saglit at ibinigay kay Rose ang maliit nitong maleta. Pagkarating niya sa bahay ng kanyang Tita ay napag-alaman niyang nag- hire ito ng mga taong magaling umakyat ng bahay at magpuslit ng delikadong kargamento. Nakadama man nang medyo takot si Rose sa ginawa ng kanyang Tita ay nagpapasalamat din ito dahil nakalayo siya sa Mansyon nang walang ano mang aberya.
"Salamat sa serbisyo niyo sa uulitin," Sabi ni Dina sa apat na kalalakihan sabay abot sa sobre na makapal ang laman niyon.
Kahit hindi busisiin ni Rose ang laman niyon ay alam na niyang pera ang nasa loob ng sobre.
"Ito naman ang sa'yo," sabi ni Dina nang balingan niya si Rose na nakaupo sa may sofa pagkatapos umalis ang apat na lalaki.
"Ano 'yan Tita?" Maang na tanong ni Rose sa hawak na brown envelope ng kanyang Tita Dina.
"Buksan mo," utos nito.
Binuksan naman iyon ni Rose at isa-isa niyang inilabas ang mga laman ng brown envelope.
"Iyan ang pamangkin ng Tito Gael mo sa probinsiya. Siya muna ang namamahala ng palayan, maisan tubuhan, manukan, babuyan at kung ano- ano pang hanap-buhay doon. He's a single Dad and don't worry kilala ka na niya at naitawag ko na sa kanya. Your atm, simcards, phone at iba pang taong sasalubong sa'yo." Saad ni Dina.
Natitigan ni Rose ang larawan ng nagngangalang Simon Josh Alcantara isang single Daddy.
"He's so yummy Tita! But where's his Wife?" naibulalas ni Rose.
"Cut that yummy of yours, Rose. They are separated and the annulment is on their way." Sagot naman ni Dina.
Napangiwi naman si Rose pero talagang iba ang dating sa kanya ni Simon larawan pa lang nito ay parang hinihigop na siya.
"Okay time to go, baka malaman na. nilang wala ka na sa kwarto mo dito ka kaagad hanapin." Dagdag naman ni Dina.
"Franco, ihatid na si Rose Velvet sa naghihintay na chopper!" Tawag naman ni Dina sa isa niyang Butler.
Agad namang tumayo si Rose at niyakap niya ang kanyang Tita Dina.
"Bye Tita! Thank you for helping me babawi ako sa'yo soon," anas ni Rose sabay halik sa pisngi ni Dina.
"Walang ano man! Take good care of yourself," sagot naman ni Dina at kumalas na ito sa kanilang yakapan at minadali na niya si Rose na umalis na.
Nangingilid naman ang mga mata ni Rose na sumama kay Franco. Nag- flying kiss pa siya sa kanyang Tita bago siya tuluyang lumulan ng kotse. Ayaw na sanang maglayas pa ni Rose subalit muli na naman siyang hinamon ng mga nangyari. Napangiti naman si Dina at nakahinga nang maluwag habang tinatanaw niya ang papalayong sinakyan ni Rose. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay tinawag niya ang kanyang mayordomang si Crising.
"Kapag nagpunta dito sina Lilian ar Vidal sabihin mo I'm out of town kagabi pa okay? Kayo na muna ang bahala dito," bilin niya kay Aling Crising.
Mabilis namang tumango si Aling Crising at nagbalik na ito sa kanyang kwarto. Si Dina naman ay lumabas na ng kanyang bahay at lumulan sa kanyang sasakyan. Tinawagan niya ang kanyang asawa na nasa States na darating siya doon upang magbakasyon ng ilang araw. Kapagkuwan ay inutusan na niya ang kanyang personal driver na ihatid na siya sa airport.
"Ma'am bababa na po tayo paki-higpitan ang iyong seatbelt." Untag ng piloto kay Rose na medyo napaidlip.
Pagkamulat ng kanyang mga mata ay nakita na niyang papaliwanag na. Nakahinga nang maluwag si Rose malapit na siya sa lugar kung saan siya magtatago. Walang social media accounts at wala ding hawak na totoo niyang simcard. Ang mga dala niyang lahat ay puro bago kaya mamumuhay siya ng bago sa lugar na kanyang pupuntahan. Ilang sandali pa ay bumababa na nga sila sa may malawak na bukirin. Tanaw ni Rose ang apat na taong nakatingala sa kanila at isang owner type jeep. Napangiti si Rose amoy na amoy niya ang sariwang hangin na galing sa bukirin kita niya ang mga nagsasayaw na mga palay habang dinadaanan sila ng hangin.
Inalalayan ng piloto si Rose pagkababa nito kasunod ang kanyang maliit na maleta. Agad na sinamyo ni Rose ang amoy ng bago niyang kapaligiran.
"Senyorita, dito po tayo!" Anang ng isang boses.
"Ah..sige po salamat!" Sagot ni Rose at nagpapasalamat siya sa piloto bago siya tuluyang lumayo sa chopper.
"Senyorita, si Dodong po, Pangking at Senyorito Simon. Ako po si Mang Teban," sabi ng matandang sumundo kay Rose sa may chopper.
"Ikinagagalak ko kayong makilala," masayang sabi ni Rose sabay lahad ng kanyang kamay upang makipag-shake hands.
Napaawang ang labi ni Rose nang bumaba ng owner jeep si Simon na naka-sumbrero ng pang- cowboy. Nakasuot ito ng puting long sleeve pero itinupi ang manggas sa magkabilaan. Bahagyang nakabukas ang ilang butones ng damit nito kaya kita ang ilang muscles nito sa dibdib na mabuhok.
"Miss Lagdameo, malalaglag na ang laway mo." Paanas na sabi ni Simon.
Sukat doon ay agad na nilunok ni Rose sabay ngiti nang malagkit.
"Nakakalaway kasi ang mga tanawin dito Mr. Alcantara. Lalo na kung ikaw ang nakaharang, nakakaramdam ako nang gutom!" Malambing na tugon ni Rose sabay kagat sa kanyang ibabang labi.
Napakurap-kurap naman si Simon habang napatikhim sina Mang Teban na bahagyang natatawa. At agad naman silang pinandilatan ni Simon kung kaya't nagseryoso sila ulit.
"Hop in pupunta na tayo sa bahay!" Bagkus ay sabi ni Simon sabay sakay nito sa harapan ng owner jeep.
Sumakay naman na si Rose pati na ang kanilang mga kasama.
"Ikaw ba ang magda-drive?" tanong ni Rose nang makasakay na silang lahat.
"Yes. May problema ba?" Malamig na tugon ni Simon na nagkasalubong pa ang mga kilay nito.
"Wala naman! Magiging masarap ang ride ko kasi ikaw ang aking driver. Iyon bang basta driver, sweet lover!" Malambing na naman ang boses ni Rose sabay kindat kay Simon.
Napabuga naman nang hangin si Simon at sinimulan na nitong paandarin ang owner jeep. Tatawa-tawa naman si Rose na ibinaling niya ang paningin sa kanilang mga madadaanan. Kita ni Rose ang malawak na pinyahan, sagingan, tubuhan at kung ano-ano pang mga pananim na prutas saka mga gulay. Napapaisip si Rose kung kay Tito Gael niya lahat ang mga iyon na ipinaalaga lang kay Simon. Subalit napapa-aray si Rose sa mga sumunod na sandali dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Simon. Uuga-uga ang kanilang sasakyan na para bang nasa wheel on the bus ng Coco melon na the people on the bus got up and down ang sabi. Parang iniinis o sinasadyang ipadaan ni Simon sa lubak-lubak ng kalsada ang kanilang sasakyan para mauga si Rose pati na ang kanyang utak. Kaya nasabi ni Rose na gagantihan niya mamaya si Simon pagkarating nila sa bahay na sinasabi nito.
"Narito na tayo Miss Lagdameo," pukaw ni Simon sa pansin ni Rose.
Matamis namang ngumiti si Rose at bumaba ito nang alalayan siya ni Mang Teban. Nakita ni Rose ang bahay na style bungalow pero malaki iyon at maganda ang paligid. May hardin, may bakuran siyempre at maraming mga punong kahoy sa paligid. Sa kabila nito ay alam agad ni Rose na kuwadra iyon ng mga kabayo at medyo tanaw din ni Rose na meron pang daanan sa likod ng bahay.
"Masarap ba ang biyahe mo Miss Lagdameo o sumakit ang katawan mo?" tanong ni Simon nang silang dalawa na lamang sa kanilang kinatatayuan.
Malagkit na tinitigan ni Rose si Simon sabay haplos sa dibdib ng lalaki. Inilapit niya ang kanyang mukha sapat upang magkalanghapan sila nang hininga.
"Okay lang na masakit ang aking katawan, Simon. Ikaw naman ang dahilan kung bakit sumakit itong mainit kong katawan." Pabebeng sagot ni Rose.
Napalunok nang sunod-sunod si Simon at agad niyang nilayuan si Rose na nakangisi na sa kanyang kapilyuhan.
"Daddyyy!" Sigaw nang isang matinis na boses.
Sabay na napalingon sina Simon at Rose sa pinanggalingan ng boses. Isang magandang batang babae ang tumatakbo papalapit sa kanilang kinaroroonan. Agad na naisip ni Rose na marahil ay ito na ang anak ni Simon na sinabi ng kanyang Tita Dina.
"Hi. I'm Rose what's your name?" Masayang bati ni Rose sa bata.
Pagkatapos nitong magpakarga kay Simon ay tumingin ito kay Rose. Tiningnan ito ng bata mula ulo hanggang paa saka ito muling tumingin sa mukha ni Rose.
"Am I pretty?" Pagbibiro ni Rose.
Sumimangot naman ang bata at isinubsob nito ang mukha sa dibdib ni Simon.
"I don't want that woman," wika ng bata.
Tumaas naman ang isang kilay ni Rose nang marinig niya ang sinabi ng bata. Naisip niyang maldita din ang bata kagaya niya masusukat ba ang kanyang temper sa bata?
"She's talking to you, sweetheart. Answer her okay?" Sagot ni Simon sabay himas sa likod ng bata.
Umiling naman ang bata na hindi pa rin tumitingin kay Rose.
"It's okay. Huwag mo na siyang pilitin kung ayaw niya hayaan mo muna siya. I understand her, ganyan din ako noong ako ay maliit pa." Tahasang wika ni Rose.
Hindi umimik ang bata maging si Simon ay hindi nakapagsalita at tumitig na lang kay Rose.
"Excuse me, papasok na ako sa loob ng bahay at hahanapin ko na si Aling Tasing." Sabi pa ni Rose at iniwan na nga niya ang mag- ama.
Hindi na nilingon pa ni Rose ang mag- ama dedma na lang siya sa inasal ng bata. Tutal naman ay magtatagal pa siya doon kaya mahuhuli din niya ang kiliti ng malditang anak ni Simon. Maldita siya kaya alam niya kung ano ang kiliti ng mga malditang kagaya niya.