Nahanap nga ni Rose si Aling Tasing na siyang binilinan nang husto ng kanyang Tita Dina. Nakita na nito noon naalala niya pumirmi na pala dito sa probinsiya dahil doon ito lumaki sa lugar na iyon. Naroon ang kanyang pamilya kaya mas pinili na niyang pumirmi sa probinsiya kaysa sa Manila.
"Aling Tasing matagal na ba dito si Daddy Simon?" Natanong ng dalaga habang sila ay magkausap sa may dirty kitchen.
Nagtimpla kasi si Rose ng tea na nakahiligan na niya minsan nagka- kape din naman siya. Tuwang-tuwa nga si Aling Tasing at talagang tinotoo daw ni Rose na doon siya magba-bakasyon. Kaya napag-alaman ni Rose na hindi alam ng mga naroon ang tunay na dahilan kung bakit bigla siyang napunta sa rancho. Lihim namang nagpapasalamat si Rose sa kanyang Tita Dina dahil hindi niya kailangan pang magpaliwanag sa mga taong naroon kung bakit siya napadpad sa rancho.
Natawa naman si Aling Tasing sa nasabi ni Rose.
"Loko kang bata ka! Bakit ang tawag mo kay Simon ay Daddy?" Anito.
Tumawa din naman si Rose habang hawak nito ang kanyang tasa.
"Masaba bang tawagin ko siyang Daddy?" Mas tinamisan pa nga ni Rose na banggitin ang salitang Daddy.
"Loko ka! Matagal-tagal na din silang mag- ama dito. Hiyang naman nila kaya nag- desisyon si Simon na pumirmi na sila dito at hindi na bumalik sa lungsod." Saad ni Aling Tasing.
Tumango-tango naman si Rose sa sinabi ni Aling Tasing kahit pa may alam na siya sa tunay na dahilan kung bakit naroon sina Simon at ang anak nito.
"Kaya lang may isang babae dito na patay na patay kay Simon. Ewan ko ba ako na lang ang nalalaswahan sa ginagawa niya kay Simon!" Dagdag pa ni Aling Tasing.
Para namang nagkaroon nang interest si Rose na alamin kung sinong babae ang tinutukoy ni Aling Tasing. Dahil hindi naman niya masisisi ang babae kung nilalandi niya si Simon maging siya ay attractive din sa lalaki.
"Kakilala niyo po ba?" tanong ni Rose.
"Oo. Taga-diyan lang sa kabilang bakod mamaya narito na naman iyon!" Tugon ng Ginang.
Napatango-tango naman si Rose nagkaroon siya nang ideya kaya nagpaalam muna siya kay Aling Tasing. Nagdahilan siyang maglibot- libot sa buong rancho para mawala ang kanyang pagod at puyat. Pinayagan naman siya ni Aling Tasing dahil marami na din itong gagawin at malapit na silang mananghalian.
Nagawi si Rose sa may hardin tanaw niya agad ang anak ni Simon na humuhuli ng tutubi sa may mga bulaklak. Napangisi naman si Rose at agad niyang nilapitan ang bata na sa pakiwari niya ay nasa limang taong gulang na. Tumikhim si Rose nang makalapit siya sa kinaroroonan ng bata na agad namang napalingon sa kanya.
"Gusto mo tulungan kita?" Offer ni Rose baka sakaling umamo ito.
Tumingin lang ang bata kay Rose saka ito muling binalingan ang tutubi na hinuhuli nito. Naka- braided ang mahaba nitong buhok at sa kaliwang kili-kili nito ay ipit-ipit ang manikang si Rapunzel.
"Magaling ka na sigurong manghuli ng tutubi ano? Sige nga, ihuli mo ako ng isa." Sabi pa ni Rose.
Hindi pa rin umimik ang bata at hindi na rin niya nilingon si Rose. Tumaas ang isang kilay ni Rose pero natatawa siya nang lihim. Kitang-kita niya talaga ang kanyang sarili noong bata pa siya sa anak ni Simon pero mas malala nga lang ang bata. Madaldal siya at talakera habang ang bata ay mana kay Simon na hindi pala-imik at mata lang nito ang nangungusap kapag tinitigan mo.
"Puwede ko bang akitin ang Daddy mo?" Pilyang sabi ni Rose baka sakaling kausapin siya ng bata.
"No!" Mabilis na sagot ng bata saka nagkasalubong ang mga kilay nito at kay sama nang tingin kay Rose.
Natawa naman si Rose alam na niya kung ano ang kahinaan ng bata.
"Then tell me your name," udyok pa ng dalaga.
Humalukipkip naman ang bata sabay ingos kay Rose.
"Ayaw mo? Mabait ako lalo na kapag nakikita ko ang poging Daddy mo!" Muling pilyang sabi ni Rose.
"My name is Shaimere Jagiya Alcantara. Are you happy now?" Mataray na sagot ng bata.
Napaawang ang labi ni Rose na bahagya pang nakausli ang isang sulok nito.
"Pretty name pero wala ka bang subject about manners sa school niyo?" Tanong ni Rose sobrang taray ng bata napa-wow siya as in.
Kita niyang medyo lumambot ang mukha ng bata. Magsasalita pa sana si Rose nang siya namang paglapit sa kanila ni Simon. Pawisan ito at mukhang kakatapos lang nitong mag- trabaho. Wala itong pang-itaas na damit kung kaya't tambad na tambad sa mga mata ni Rose ang magandang katawan ng lalaki. Napasinghap pa si Rose dahil sa bawat galaw ni Simon ay sumasabay ang mga abs nito maging ang biceps nito. Pawisan man pero mukhang katakam-takam kung sa pagkain parang letson na juicy and super yummy.
"Are you done staring at my body?" untag ni Simon kay Rose.
Napakurap-kurap naman si Rose at napangiti nang matamis. Pagtingin niya ay wala na si Shaimere sa kanyang tabi.
"Hindi pa nga eh! Puwede bang tumayo ka pa diyan ng ilang minuto? Kasi busog na busog na ako, para kang letson na mainit, nagmamantika pero masarap tikman lalo na at juicylicious ka!" Pilyang sagot ni Rose sabay dila sa sarili niyang bibig.
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Simon na tumitig kay Rose.
"Kung broken heart ka, huwag ako ang pagdiskitahan mo." Mariin nitong tugon.
Tumawa naman si Rose at pinakatitigan niya din si Simon.
"Alam mo Daddy Simon, sawa ako sa ka-blind date that's why I'm here. Hoping that I will find it here my man who can make my heart beats abnormal. At ganoon ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita," aniya.
Napakurap-kurap naman si Simon.
"At ang laki pa ng bonus ko, dahil meron ka nitong katawan mo na yummylicious na jucylicious pa!" Maarteng wika ni Rose sabay hawak ng mabilis sa baba ni Simon.
Napatikhim si Simon at medyo napaatras.
"Masyado yatang matalas ang tabas ng dila mo, Miss Lagdameo?" Mapaklang tanong ng lalaki.
"Bakit, kung mapurol ba gusto mong hasain? At saka, ano bang klaseng tabas ng dila ang gusto mo Daddy Simon? Willing naman akong magpapatabas kung ayaw mo itong tabas ng dila ko basta hinay- hinay lang ha? I'm sensitive sa pain eh!" Mapang-akit na sabi ni Rose.
"I can't believe how you act and behave like this Rose Velvet. Aminado akong nasabi sa akin ni Tita Dina na pasaway ka at matigas ang ulo pero hindi ka uubra sa akin. Dahil hindi ka lang pala matigas at pasaway may itinatago ka ding kakatian sa katawan." Pambubuska naman ni Simon sa dalaga.
Pero hindi nainis si Rose at ni hindi natinag nginitian niya lang si Simon nang mas mapang-akit pa.
"Oo nga eh! Gusto mong kamutin ang kati ko sa aking katawan?" Rosw pouted her lips na tumitig kay Simon pinapungay pa nga niya ang kanyang mga mata.
"You're insane! Time for lunch and stop day dreaming," malamig na tugon ni Simon at nauna na itong naglakad.
"Daddy Simon wait for me!" Habol naman ni Rose.
Huminto naman si Simon at agad na humarap kay Rose.
"Stop calling me, Daddy hindi kita anak." Mariin nitong wika.
"Willing naman akong anakan mo este maging big daughter mo eh!" Pabebeng sagot ni Rose.
Marahas na napabuga nang hangin si Simon at napailing-iling na lamang ito. Mabilis niyang tinalikuran si Rose nang walang imik. Humabol naman si Rose na dada pa rin ng dada subalit wala naman itong natatanggap na tugon mula kay Simon. Hindi alam ni Rose kung maiinis ba siya o matatawa dahil sa hitsura ni Simon na sumusulyap sa kanya. Kitang-kita niya kasi kung papaano mag- igting ang mga panga ni Simon at ang pagkakasalansan ng mga guhit sa noo nito. Hindi alam ni Rose kung bakit nagiging iba ang takbo ng kanyang utak sa tuwing kaharap niya si Simon aaminin niyang talagang nalalaglag ang kanyang panty este kaluluwa sa presensiya ng lalaki sa kanya.