CHAPTER 9

1526 Words
“ANG GANDA naman dito,” sambit ni Arianne.  Overlooking kasi sa kinauupuan nilang mesa sa restaurant na iyon ang magandang tanawin ng Taal Lake.  “Hindi ko akalaing may ganitong lugar na nag-e-exist sa Pilipinas.” “Wala rin akong ideya noon na may ganitong riding club pala sa bansang ito,” wika ni Daboi.  “Until a friend of mine told me about this place.  Kung saan mga lalaki lang ang may karapatang magmay-ari ng mga riding horses at maging miyembro ng club.” “So this is exclusively for the boys, huh.” “Yes.  Thank goodness.  Don’t get me wrong.  Hindi ako madamot pero may ilang bagay dito sa mundo na mas gusto kong mga kalahi ko lang ang nagdo-dominate.  I want to feel superior than the women not because I have a bloated ego.  But because I want to make them feel its okay to be weak.  That there’s still someone out there, me for instance, who would want to play the role of the charming superhero for them.” “That’s still sounds egoistic to me.” “Hindi ko nga siguro maibabahagi ang totoong papanaw ko sa set-up na ito ng Stallion Riding Club.  Basta ang alam ko, gusto ko ang pakiramdam ko kapag nandito ako.”  He put down his cup of coffee and looked at her.  “Lalo na ngayong nandito ka.” “Daboi.” “Yes?” “Alam mong hindi gagana sa akin ang pambobola mong iyan, hindi ba?” “Oo.” “Kung ganon, tigilan mo na iyan.” “Pero hindi naman kita binobola.  Sinasabi ko lang kung ano talaga ang pakiramdam ko sa tuwing magkasama tayo.” “One more word and I’m outta here.” Napabuntunghininga lang ito.  “Pasensiya na.  Talaga lang hindi ko maiwasang hindi magpa-charming sa iyo.” “Maraming babaeng umaali-aligid sa iyo.”  Inabala niya ang sarili sa pagkain sa kanilang mesa.  “Sa kanila ka na lang magpa-charming.  Mag-aaksaya ka lang ng oras sa akin.” “Kahit kailan, hindi ako nagpa-charming sa mga babaeng sinasabi mo.  Sila ang lumalapit sa akin.  I just entertain them, para hindi naman niya isipin na masama akong tao.” “Hindi ka rin mayabang, ano?” “Arianne, its true.  Sa iyo lang ako nagpapakahirap na magpapansin.”  Isang beses pa itong nagpakawala ng malalim na hininga.  “Ganito yata ang tadyak ng tadhana para sa mga playboy na gaya ko.” “Karma ang tawag diyan.” “So, you know what I’m going through.” “No.” Imbes na ma-offend ay tumawa lang ito.  Napatunganga na naman siya rito.  He was such a sight to see, with his smooth cheeks reddening like that.  Parang gusto niyang mapabuntunghininga.  Para sa isang simpleng babaeng tulad niya na pag-aksayahan ng panahon ng isang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae, dapat ay nagmamalaki na siya.  Hindi ba?  Napansin yata nitong pinagmamasdan siya nito kaya unti-unti na itong umayos.  Subalit ang ngiti nito ay makikita pa rin sa mga mata nito.   Damn!  The man was just too handsome to pass on the chance to watch him this close.  Kaya hinayaan na lang niya ang sariling magsawa sa pagtitig sa mukha nito.  Legal naman niyang gawin iyon dahil sila ang magkasama ngayon.  Indirectly, sa mata ng mga tao sa restaurant na iyon, at sa buong Stallion Riding Club, they were ‘officially’ together.  At isa iyon sa mga magagandang pakiramdam na ibinibigay sa kanya ni Daboi.  Ang pakiramdam na maging pinaka-espesyal sa mga mata nito.  She really couldn’t believe she could still feel this way after… “O, Miss, nalulungkot ka na naman.”  Umiwas siya ng tingin.  “Wala kang makikitang magandang tanawin sa ibang direksyon.  Dito lang talaga sa harap mo may guwapong masarap tingnan.” Napilitan siyang lingunin si Daboi.  Nakangisi ito saka nag-peace sign.  The creep was cute!  Hindi na niya napigilan ang mapangiti. “That’s better,” wika nito.  “Akala ko talagang hindi na kita makikitang ngumiti.  Alam mo bang mas gumaganda ka kapag ngumingiti?” “Oo.”  She wanted to whack him in the head with their table, if that was possible, for making her feel this…this…this.  Hayan, ni hindi na niya alam kung ano pa ang dapat itawag sa nararamdaman niyang iyon.   Basta lang, she was happy.  And that was something she never thought she could feel again. “I bet you could even be more beautiful when you laugh.” “You bet.” “Hmm.”  Lumingon-lingon ito sa paligid hanggang sa mapadako ang tingin nito sa makeshift stage na maaaring ginagamit kapag may nagpe-perform roon minsanan.  “I’ll sing for you.” “Oh.  Please.  Don’t.” “What?  Maganda ang boses ko.” “Okay.  Pero hindi mo na kailangang ipangalandakan iyon.  Naniniwala na ako sa iyo.” Ngumisi lang ito.  “Sige, hindi ako kakanta.  Sa isang kundisyon—“ “Sige, kumanta ka na.” “Hindi mo man lang ba pakikinggan ang kundisyon ko?” “Hindi na.  Alam ko naman kung ano iyon, eh.” “Talaga?  Sige nga, ano ang kundisyon na sasabihin ko?” “That I have to kiss you.” “Arianne, I’m hurt.”  Eksaherado nitong tinampal ang dibdib.  “Ganyan na ba talaga kamanyak ang tingin mo sa akin?” “Oo.” “Kakantahan na lang kita.  Pakinggan mong mabuti, ha?” “Magpapakamatay ako kapag kumanta ka.” “Huwag kang mag-alala…”  Sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha nito, nag-e-enjoy ito sa pangungulit sa kanya.  “Ipalilibing kita—aray!” Napalingon sa direksyon nila ang mga tao roon nang malakas na humalakhak si Daboi matapos niya itong hampasin sa braso.  Pagagalitan na sana niya ito nang imbes na pakawalan ang kamay niya ay mahigpit pa nitong hinawakan ito saka idinampi roon ang mga labi nito.  Nagulat siya ngunit hindi rin makapalag sa pag-aalalang baka madisgrasya na naman niya ang labi nitong hindi pa nga gumagaling.  He must have caught what she was thinking because he took the opportunity to leisurely hold her hand near his lips, as he watched her face intently. Nagwala ang puso niya.  Umilaw na rin ang lahat ng invisible warning signal sa sistema niya.  She had to get away from him.  Kung ayaw niyang— “Don’t be afraid, Arianne,” mahina nitong wika ngunit dinig na dinig pa rin niya iyon.  “Wala na uli makakapanakit sa iyo.” And then he stood up and talked to the man on the next table.  Kilala niya ang lalaking kausap ni Daboi.  Si Jason Erwin Dean, ang lead vocalist ng sikat na rock band na The Switch.  Suot din nito ang black-and-white uniform ng riding club.  Kung ganon, miyembro rin ito roon?  Lumingon sa direksyon niya ang bokalista at mayamaya pa ay nagpaalam na ito sa babaeng kasama nito na halata na ang naka-umbok na tiyan.  She must be his wife.  Ilang sandali pa ay nasa stage si Daboi, hawak ang mikropono, at si JD na inihahanda ang gitara. Talagang tototohanin nito ang pagkanta?! “Daboi, may litel big boi…” pabirong wika ng lalaki sa table na malapit sa makeshift stage.  “Galingan mo iyan, ha?  Kapag hindi ako natunawan dito, idedemanda kita.” “Wala akong pakialam sa iyo, Ian Jack.  Hindi naman ikaw ang kakantahan ko.”   The man in front gave him a good-natured middle finger.  Subalit naging mitsa lang iyon ng mas marami pang side comment sa iba pang co-members nito na kasalukuyang naroon sa restaurant. “Hayaan na natin ang inlove.” “Ganyan talaga ang mga playboy kapag na-inlove, nagiging praning.” “Yeah.  Mabuhay ang mga praning!” Nag-umpisa ng pumitada sa gitara si JD.  Sunod-sunod na eksaheradong tumikhim si Daboi at ilang sandali pa ay bumirit na ito ng isang makabagbag damdaming lovesong. “Oh, yeah, girl, I hear you trembling in my arms, tell me what is wrong, I know somebody hurt you, didn’t stay and took your faith away, broke your heart, let you down, the love you thought you found, but that was then and this is now, I gotta make you believe somehow…”   Ewan niya pero malakas ang kutob niyang iyon ang piniling kanta ng binata para sa kanya mismo.  Gusto niyang pumikit at i-block out na ang lahat ng mga lyrics ng kinakanta nito.  Ngunit hindi rin naman niya magawa dahil sa kanya nakamasid si Daboi.  And no matter how much she hated it, the song, his voice and that mysterious look on his eyes as he gazed at her made her noticed everything. “Girl, don’t be afraid to, put your trust, in someone who, who will love you, love you completely, take the time to rewrite make you forget those tears you cried, it will be alright, have no fear, your Superman is here…” He had finally managed to creeped inside her heart.  This man…this Superman…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD