“WELL, WHAT do you think of my performance? Don’t I deserve a reward? Natuwa ang mga tao sa restaurant kanina.”
“Sila naman ang natuwa, kaya sa kanila ka humingi ng reward.”
Naglalakad na sila nang mga oras na iyon palabas ng Lakeside Café and Restaurant kung saan buong pusong kumanta si Daboi para sa kanya. She appreciate his song. Very much. Kaya nga wala siyang masabi. Pakiramdam kasi niya ay para talaga sa kanya ang kantang iyon.
“Don’t let life surprise you, give me a chance, come and take my hand, let my love surround you, throw away the pain of yesterday, girl, you’ve got to try to put the past behind coz now I’m in your life…girl, have no fear, your Superman is here…”
O, sinong baliw ang hindi maaapektuhan kapag kinantahan ka ng isang lalaki ng ganon?
“You really didn’t like it.” Malakas itong napabuntunhininga. “Akala ko pa naman magugustuhan mo rin iyon.”
Nakunsensiya naman siya agad. “You…it was…nice.”
“Ows, talaga? Mamatay ka man?”
Nilingon niya ito. Subalit pagkakakita niya sa lalaking nagawa ng makapasok sa puso niya, parang bigla na lang niyang nakalimutan ang lahat ng iniisip niya. She just watched him watched her with that eternal charming smile on his face.
“Hindi ka na talaga nagsawa sa pagpapa-charming sa akin, ano?”
“Wala, eh.” He lightly pinched her cheek. “Hindi ko matanggihan ang kagandahan ng babaeng ito.”
“Anong hindi matanggihan? Kasalanan ko pa ngayon kung bakit nagpapa-cute ka sa akin? Sira ka ba?”
“Hay.” He put his hands on the side pockets of the riding jacket he was wearing, and looked out at the wide expanse of green land in front of them. “Can I ask you something, Arianne?”
“Tungkol saan?”
“Something personal. Okay lang ba?”
Ayaw sana niya. Sigurado kasi siyang may kinalaman iyon tungkol kay Ericson since ang bahagi lang namang iyon ng pribado niyang buhay ang nalaman nito. But she felt good that day and sharing a little part of her life with him seemed to be a natural thing.
“Sige.”
“That Ericson guy…he’s the one who had hurt you, right?”
“Oo.”
“Bakit hindi mo siya sinampal o sinuntok noong magkita kayo sa ospital? You looked so broken when I first saw you at Brentwood Hotel. I presume…you broke up with him that day?”
Ngayong ipinaalala nito ang mga pangyayaring iyon, saka lang niya na-realize na halos mag-i-isang linggo na pala ang nakakalipas mula nang mangyari iyon. Akala nga niya noon, hinding-hindi na mawawala ang sakit na ibinigay sa kanya ni Ericson. But then she saw Daboi, talked to him and that’s when she started forgetting Ericson. Oo, sandali lang iyon. napakaiksing panahon para makalimutan niya ang isang matinding kabiguan. Ngunit nagawa nga niya. Salamat sa lalaking makulit na ito na gustong maging si Superman.
“Hindi ko kayang saktan ang taong mahal ko,” mayamaya’y wika niya. “I guess it really goes with loving.”
“Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon?”
Napaisip siyang bigla. Mahal pa rin nga ba niya si Ericson? Her heart said yes. Ngunit hindi na iyon kasing taginting gaya ng mga panahong hindi pa niya alam ang totoo nitong pagkatao. Siguro dahil batid ng puso niyang hindi na rin naman niya ito puwedeng patuloy pang mahalin. Kaya kahit paano, nabawasan na ang pagmamahal niya rito. At kaya siguro…nagagawa na rin niyang tumingin sa ibang direksyon ngayon. Tumingin sa ibang lalaki. Lalo na ang partikular na lalaking ito sa kanyang tabi.
“He’s such a lucky bastard,” sambit nito. “Pero kung mahal mo pa rin siya, bakit hindi mo ipaglaban ang nararamdaman mo sa kanya?”
“Hindi na kasi puwede.”
“Is he married?”
“No.”
“There’s another woman?”
“No.”
“Kung ganon bakit hindi mo na siya puwedeng mahalin?”
Kunot-noo niya itong sinulyapan. Napansin kasi niya ang tila iritasyon sa boses nito. “Bakit ba? Sa hindi na puwede.”
“He doesn’t love you anymore?”
Hindi niya ito masagot. Hindi niya maaaring sabihin dito ang sekretong iyon ni Ericson. Kahit iyon na lang ang huling magagawa niya para sa lalaking minsan niyang minahal.
“That guy wasn’t lucky,” patuloy nito. “He’s just a bastard. Ano ba ang pumasok sa kukote niya at pinakawalan niya ang isang tulad mo? Ang laki niyang gago. Kapag nakita ko uli siya, uupakan ko na talaga siya.” Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “If I were him, I’d never let go of a woman like you.”
Tumagos sa puso niya ang sinabi nito. “Ang kaso, hindi ikaw siya.”
“Because I’m better than him.”
She still wasn’t sure. But she knew that somehow, he had become one of the most special person in her life that moment.
“Teka, hindi ba’t pauwi ka na? Bago ka umalis, ibibili na muna kita ng souvenir. Para hindi mo makalimutan ang Stallion Riding Club.”
Saka na lang niya haharapin ang damdamin niya para rito. Sa ngayon, sa tingin niya ay hindi pa niya magagawang kumprontahin iyon habang naroon siya sa riding club na iyon.
Hindi kalayuan sa restaurant na kinainan nila ay naroon ang isang maliit na establishment na may pangalang Picka-Picka. Napaka-cozy ng lugar. Gawa iyon sa kahoy at salamin naman ang karamihan sa dingding kaya kitang-kita ang kagandahan ng buong riding club, pati na rin ang magandang view ng Taal Lake. Sa isang banda niyon ay naroon naman ang isang fireplace.
Dinampot niya ang isa sa tatlong bote ng Stallion Shampoo sa ibabaw ng counter. “Out of place yata ang Stallion Shampoo rito.”
“Kasalanan iyan ni Neiji,” sagot ng nag-iisang babaeng bantay ng munting shop na iyon. “He insisted that I put on display his famous shampoo. In fairness, maganda talaga siya sa buhok.” Iwinagayway pa nito ang mahabang buhok sa ere.
Natawa na lang siya sa kalokohan ng babae. “Iyan din ang gamit kong shampoo so I know what you mean.”
“Cute,” nakangiti nitong wika. “Pero mas cute kung bibili ka ng mga paninda ko rito.”
“Nadja, umaariba na naman ang pagiging tusong negosyante mo.”
“Ah, Daboi,” ngiting-ngiti ang babae rito. “May litel big boi…”
Napailing na lang si Daboi nang bumaling sa kanya. “Huwag mo na lang intindihin iyang si Nadja. Malala talaga ang sayad niyan sa utak.”
“Maganda naman.” Binalingan siya ng babae at nagpakilala. “I’m Nadja—not Montenegro. But Brigaste. Nadja Brigaste…” Nawala ang atensyon nito sa kanila nang may isang lalaking napadaan sa harap ng Picka-Picka. “Salmentar…Nadja Brigaste-Salmentar.”
“Kailan ka pa naging kamag-anak ni Ian Jack?”
“Anong kamag-anak? Ako ang magiging asawa ng Ian Jack na iyan, ‘no?”
“He doesn’t even know you exist.”
“Of course he does. Lagi yata siyang dumadaan sa tapat ng PIcka-Picka.”
“Dahil ito ang daanan papunta sa bahay niya—“
Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang malakas na dumikit sa sikmura nito ang malaking bungkos ng mga rosas na hindi pa natatanggalan ng mga tinik.
“Kontrabida ka masyado sa lovelife ko. Miss, alam mo bang babaero ang kulugong sinasamahan mo? Suki ko na iyan dito sa Picka-Picka sa dami ng babaeng pinadadalhan niya ng mga bulaklak at kung ano-ano pang anik-anik na galing dito sa shop ko.”
Humarang sa harap niya si Daboi. “Huwag mong idamay si Arianne, Nadja.”
“Aba, umaasenso ka na, ha? May pa-hero effect ka na ring nalalaman ngayon.”
“Nadja.”
Seryoso ang tono ni Daboi. Talagang wala itong balak na ipaalam sa kanya ang mga nakaraan nito sa ibang babae. Parang sweet yata iyon, ah.
“Fine, fine. Bahala na kayong pumili ng magugustuhan ninyo. Tawagin nyo na lang ako kapag magbabayad na kayo. In the meantime…” Bumalik na si Nadja sa likod ng counter at may kinuha binocular. “Sisilay muna ako sa sinta kong si Ian Jack. Hey, Jaaackk…” Dumiretso na ito sa sliding door sa likurang bahagi ng establishment na may kanugnog na veranda. “Hey, Jack…hey…hey…pibertdey!”
Natawa na lang siya kay Nadja. “Ganon ba talaga iyon?”
“Kapag nakikita lang naman niya si Ian Jack.” Dumampot na ng mga tangkay ng sariwang mga bulaklak si Daboi. “Matindi ang tama nun sa kasamahan naming iyon. Kaya nga lagi kong itinataon na papadaan dito si Ian Jack kapag bibili ako ng mga bagay-bagay dito. Tuliro si Nadja kapag nakiktia si Ian Jack kaya hindi niya ako gaanong nabubuliglig.”
“Akala ko para makakuha ka ng discount.” Nakiusyoso na rin siya sa mga stuff toys na iba’t ibang laki at kulay. Nakakatuwa talaga ang PIcka-Picka. Para iyong maliit na dollhouse. Everything was cute there, even Nadja herself.
“Discount? Ano naman ang palagay mo sa akin? Cheap? I own a computer and gaming company in New York. Plus the entire Otakuzone Television Network. Mayaman ako kaya hindi ko kailangan ng discount na iyan.”
Muntik na siyang masamid sa narinig. “You own Otakuzone?”
“Oo.” Nilingon siya nito. “Hindi ko ba nasabi iyon sa iyo?”
“Hindi.”
“Oh, well. Now I did.” Nakangisi pa siya nitong kinindatan bago muling binalikan ang pamimili ng mga bulaklak na nakalagay sa mga stainless na balde na mukhang luma na. Although it suited just fine with the establishment’s homey atmosphere.
Parang wala lang dito na isa na yata ito sa maituturing na pinakamayaman sa bansa. Iniwan niya ang mga stuff toys at ibinaling ang kanyang buong atensyon kay Daboi na abalang-abala sa mga bulaklak nito. Naalala niya ang sinabi ni Nadja. Pang-ilan na nga kaya siya sa mga babaeng dinala nito roon para ibili ng ‘souvenir’? Ayaw sana niyagn isipin pero hindi niya maiwasan na ikumpara ang sarili sa mga babaeng iyon.
Napansin yata nito na nakatingin siya rito kaya lumingon uli ito sa kanya. “What?”
“Nothing,” sagot niya. You’re not one of his women, Arianne. So stop comparing yourself to them. “Matagal ka pa ba riyan? Gusto ko na sanang bumalik na ng Clubhouse. Ang sabi ni Genil, doon na lang daw kami maghintayan para sabay ng bumalik ng Maynila.”
“Ako na ang maghahatid sa iyo.”
“Huwag na. Ayoko ng makaabala pa sa iyo.”
Napakunot ang noo nito. Halatang nanibago sa pakikitungo niya rito. “Something wrong?”
Umurong siya palayo. “Wala naman. Gusto ko na lang talagang makabalik ng Maynila at marami akong trabahong biglang iniwan doon. Baka bumagsak ang kumpanya ko kapag hindi ako nakabalik agad.”
Nalilito man sa sagot niya ay hindi na ito nagsalita pa uli tungkol doon. Tinawag na lang nito si Nadja para bayaran ang mga bulaklak na napili nito.
“Hoy, Daboi, naman. Hindi mo man lang ibili ng stuff toy ang girlfriend mo,” sambit ng tindera habang pinapalamutian ang mga bulaklak. “Kanina pa niya tinitingnan ang malaking pink na teddy bear na iyon, o. Hay naku, kayo talagang mga lalaki, napakamamanhid.”
“Pero hindi naman ako…” Napalingon na lang siya kay Daboi nang walang kahirap-hirap nitong inabot ang pinakamalaking teddy bear na naka-display doon.
“Iyan ang gusto ko sa iyo, Daboi-boi,” malapad na malapad na ang ngisi ni Nadja. “Hindi ka manhid. O, Mary, sagutin mo na siya, ha?”
“Arianne,” pagtatama niya.
“Arianne, o, iyon.” Tapos na nitong ayusin ang mga bulaklak. “Sagutin mo na si Daboi-boi. Hindi naman babaero itong si Daboi, eh. ‘Yun nga lang, lapitin ng mga tsiks. Kaya ‘ayun, babaero na rin—“
“Nadja, just give me my bill.”
“Oo na po!” Imbes na cash ay itim na mukhang credit card ang ibinigay ni Daboi kay Nadja. “I just love these little thing. Alam mo bang kapag hawak mo ang isang tulad nito, kaya mong bilhin ang lahat ng bagay dito sa Stallion Riding Club. Pati lalaki—“
“Nadja.”
“Ang sungit mo ngayon, Daboi-boi, ha?”
“Ian Jack’s coming out of his house.”
“Huuuu!” Isang swipe lang sa counter cashier ay tapos na ang transaction. Mabilis na dinampot uli ni Nadja ang binocular at lumabas ng veranda. “Hey, Jaaacckk…”
Napabuntunghininga na lang ang binata nang balingan siya.
“Sorry about that. Ah, here.” Ibinigay nito sa kanya ang mga pinamili nito. A boquet of fresh flowers and the biggest teddy bear in there.
Kinuha niya iyon. “Thanks.”
“Kung mahihirapan kang bitbitin iyan papuntang clubhouse sabihin mo lang sa akin.”
“Hindi, okay lang. magaaan lang naman ito.” At gusto rin niyang ipagmalaki ang mga bagay na iyon na ibinigay sa kanya ni Daboi.
Kahit sinong babaeng nagkakainteres sa lalaki, kapag nakita silang magkasam ngayon at dala-dala niya ang mga pinamili nito, siguradong maiinggit ang mga iyon. Isipin lang niya ang magiging reaksyon ng mga babaeng iyon, kakaibang tuwa na ang nararamdaman niya. She was very proud to be linked with the sweetest man she had ever met at the Stallion Riding Club.
Tumunog ang maliit na bell na nagsasabing may bagong customer. Dalawang babae ang kapapasok lang doon.
“Oh, my! Daboi Bustamante’s here!”
“Oo nga!” Lumapit ang mga ito kay Daboi na tila ba hindi siya nakikita. “We watched your performance at the Lakeside Café. Ang galing-galing mo palang kumanta.”
“We’ve become your fans.”
“Really?” natatawang sagot ng binata. “Thank you. Pero hindi naman ako ganon kagaling. Nagkataon lang na tama ang kantang napili kong kantahin.”
“Kahit ano pa, you still looked hot singing like that!”
“Puwede bang magpa-picture? Matatapos na kasi ang event ng company namin mamayang hapon at baka hindi ka na namin makita pa.”
“Oo nga. Remembrance na lang, Daboi.”
“Sure.”
Tuwang-tuwa ang mga babae habang nililingkis na ang binata. At ang kumag naman, mukhang nag-e-enjoy pa. Parang gusto na niyang hambalusin ang mga ito ng mga bitbit niya.
“A, Miss, puwede mo ba kaming kuhaan ng picture?” Isinalpak na sa kanya ng babae ang camera nito bago pa man siya makasagot. “Pakipindot lang ng matagal ‘yung pinakamalaking button.”
Ni hindi man lang nagpasalamat! Ibato kaya niya sa mga ito ang camera ng mga ito? But she didn’t do it. Edukada siyang tao at hindi siya gagawa ng isang bagay na alam niyang ikapapahiya lang niya. And its just a picture. Walang anomang—
“Miss, ayos na ba?”
Muntik na niyang madurog ang digital camera nang makitang dikit na dikit ang mga babae sa katawan ni Daboi. At hindi pa talaga nakuntento ang isang babae dahil itinaas pa nito ang isang binti na litaw na litaw dahil napakaiksi ng miniskirt na suot nito. The woman took Daboi’s other hand and put it on her lifted leg before putting her hand against his shoulder. Nanginginig na ang mga kamay niya nang itutok sa mga ito ang camera. Damang-dama niya ang pagngatngat ng selos sa buong sistema niya. Lalo na at game na game namang pumorma si Daboi. Kaya basta na lang niya pinindot ang flash ng camera. Nakapikit tuloy ang tatlo sa picture.
O, ‘buti nga!
Hindi na siya naghintay pa na makita ng mga babae ang picture dahil baka magpaulit pa ng take ang mga ito. Pagkakuha ng mga ibinigay ni Daboi ay nagmartsa na siya palabas ng Picka-Picka.
“Arianne, wait up!”
Hinintay naman niya si Daboi ngunit paglapit na paglapit nito sa kanya ay malakas niyang isinalpak dito ang teddy bear at mga bulaklak.
“Hindi ko kailangan ng mga iyan!”
“Hindi ko rin kailangan ang mga ito—“ Natameme ito nang makita ang pagsasalubong ng mga kilay niya. “I have a camera on my cellphone. Puwede rin tayong magpakuha ng picture na dalawa—aray!”
Muli niyang inihambalos dito ang teddy bear bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa…sa… “Saan na nga ba ako pupunta?”
“Going somewhere?”
Isang lalaking nakasakay sa kabayo ang nakita niyang nakaharang sa daraanan niya. Another Stallion Riding Club member. Ngunit mula kung saan ay lumitaw din ang isa pang kabayo na may sakay na lalaking kamukhang-kamukha ng naunang lalaki.
“Trigger, ano iyan?”
“Daboi’s girl.”
“Really?”
“I’m not Daboi’s girl!” Nilagpasan niya ang mga ito. “Saan ba rito ang pabalik ng Clubhouse? I want to go home, now!”
“Okay.” Inilahad ng lalaking nagngangalang Trigger ang kamay nito sa kanya. “I’ll take you there.”
“Hey, doppelganger!” Isang babaeng sakay ng four-wheel drive ang huminto di kalayuan sa kanila. “Ano na namang kaguluhan iyan, ha?”
“Paz Dominique, you’re just in time. The little Miss here wants to go back to the Clubhouse. Puwede mo ba siyang ihatid?”
“And why would I do you a favor?”
“Because we helped you with Zell before.”
Sumilay ang ngiti sa mga labi ng babae bago siya tinanguan. “Let’s go, girl.”
“Thanks.”
Ngunit pag-alis nila roon ay kasabay naman nilang nangangabayo ang isa sa kambal.
“Huwag mong pansinin ang dalawang kulugong iyan, Miss,” wika ni Paz Dominique. “Because they’re trouble with a capital T.”
Hindi na nga niya pinansin iyon. Pero bumalik naman ang isip niya kay Daboi. Bumalik na naman ang matinding pagngingitngit na naramdaman niya kanina. And she knew, nagselos siya sa mga babaeng iyon…