CHAPTER 7

1646 Words
STALLION RIDING CLUB.  Main gate pa lang ang kinaroroonan nila ni Genil ay parang gusto ng malula ni Arianne.  It was the grandest riding club she had ever seen.  Well, iyon pa lang naman ang nakikita niyagn riding club sa Pilipinas pero sigurado siyang wala ng magiging mas maganda pa sa SRC.  Doon siya dinala ni Genil nang alukin siya nitong siya na ang makipag-usap kay Daboi para sa ikakaayos ng sasakyan ng babae.     “Okay na, Arianne.  Makadto na diri si Toto Boi.” Papunta na raw doon si—“Toto Boi?” “Yeah.  That’s his nickname when we were still young.  At that time, he was the only boy among us.  Our lola used to call him Daboi.  Bisaya kaya imbes na ‘the boy’ e naging daboi.  Since he’s such a lola’s boy, he retained his nickname up to now.”  Ngumiti ito sa kanya.  “Cute, ‘no?” Alin dun?  ‘Yung nickname o ‘yung nagmamay-ari?  Pinagalitan niya ang sarili.  Imbes kasi na kabuwisitan niya ang lalaking pinag-uusapan ay parang sumisingit pa ang paghanga niya rito. Paghanga?! Uminit na naman ang ulo niya.  At gaya ng napapadalas niyang dilemma sa tuwing mapag-uusapan ang lalaki, hindi na naman niya alam kung para kanino ang pagkaasar niyang iyon.   “Sinabi mo sa kanya ang dahilan ng pagpunta natin dito?” tanong niya kay Genil.   “Hindi.  Bahala kayong mag-usap na dalawa.”  Inayos nito ang stylish wide-brimmed hat na suot.  “Sabi ko nga tayo na lang makadto sa balay niya basta i-approve lang niya ang pagpasok mo.  Ayaw.  Susunduin daw niya tayo diri.  Excited yatang makita ka.” Hindi niya pinatulan ang panunukso nito.  Yamot siya.  Yamot na yamot dahil muntik pa siyang makulong sa ginawa ng lalaking iyon!  Kinalimutan na ni Genil ang tungkol sa plano nitong pagdedemanda matapos nitong marinig ang paliwanag niya.  Ang pinsan na lang daw nito ang sisingilin nito.  Pero siya, wala siyang balak na palagpasin ang ginawa ng lalaking iyon. Naririnig na ang malalakas na yabag.  Ilang sandali pa ay nakita na niya ang dahilan ng ingay na iyon.  A magnificent horse was running swiftly towards their direction.  The uniformed man riding it, with his hair swaying against the wind, looked like a prince as he galloped flawlessly towards them.  Daig pa niya ang tila nakakita ng isang napakagandang eksena sa pelikula.  Hanggang sa huminto iyon ilang metro malapit sa kanila. At makita kung sino ang lalaking hinahangaan niyang sakay ng naturang kabayo. “Arianne.”   Daboi dismounted his horse fluidly as if he’d been riding since he knew how to walk.  And, damn it, he looked really good in his riding uniform!  Napatanga na lang tuloy siya rito habang naglalakad ito patungo sa kanya.  Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata.  Bakit ba lahat na lang yata ng costume ay kayang-kaya nitong dalhin?  Nung una, ang anime costume nito.  Ngayon naman, ang riding uniform.  At bakit pakiramdam niya ay tila nagustuhan din niya ang makita ito nang araw na iyon? “Hindi ako naniwala kay Genil nang sabihin niyang nandito ka.  Kaya nagpunta na ako rito.  Pasensiya na sa paghihintay—“ “Hindi ka gid naniwala sa akon?” singit ni Genil.  “Sige, ngayon maniniwala ka na.  Alam mo bang muntik ko ng maipakulong iyang si Arianne nang dahil sa iyo?  Nabangga niya ang kotse ko pero imbes na kausapin ako e itinakas mo pa siya.  Mabuti na lang pala at nakuha ko ang plate number ng kotse niya kaya natunton ko pa siya at nakumpirma ko sa kanya ang hinala kong baka nga ikaw ang lalaking nagtakas sa kanya.” Sa narinig na sinabi ni Genil, bumalik na rin sa wakas sa kanya ang dahilan ng pagtapak niya sa naturang lugar.  Hinarap uli niya si Daboi, saka ito malakas na sinuntok.  Hindi naman niya akalaing masyado palang malakas ang suntok niya kaya napasinghap na lang siya nang bumalandra ito sa sementadong kalsada.  Nagsilabasan sa guardhouse ang mga guwardiya ng SRC upang daluhan ang binata. “Aguy!” pabirong sigaw ni Genil.  “That must hurt.  Oh, well, iyan ang napapala ng mga sinungaling.” Nakunsensiya naman siya agad sa ginawa, lalo na nang makitang may bahid na ng dugo ang labi ni Daboi.  Nakaupo pa rin ito sa kalsada habang sinisensyahan ang mga guwardiya na ayos lang ito.   He touched his now bruised lips.  “Okay, I deserve this.” “Talaga.”  Pero talaga ring nakunsensiya siya sa ginawa.  “Kung…kung sinabi mo sana sa akin na hindi naman pala sa iyo ang kotseng nabangga ko, hindi ka sana…Tumayo ka nga.  Mukha kang tanga riyan.” “Teka lang, nahihilo pa ako.”  Ipinatong nito ang mga braso sa tuhod.  “Ang lakas mo palang sumuntok.  Tumabingi yata ang panga ko, ah.” Doon na siya tuluyang nakunsensiya at lumapit dito.  “Ikaw naman kasi, babaero ka na nga, sinungaling ka pa.  Balak mo bang pakyawin ang lahat ng kasalanan ng mundo?  Patingin nga…” Bahagya itong tumingala upang ipakita sa kanya ang tinutukoy nitong panga.  Ngunit dahil alam niyang ang labi nito ang talagang tinamaan ng suntok niya ay iyon ang pinagtuunan niya ng pansin.  May sugat nga ito sa labi.  At dumudugo pa rin iyon.  Kinuha niya ang panyo nitong ipinahiram sa kanya nung unang araw silang nagkita sa hotel nito at marahan iyong idinampi sa labi nito. “Nasa iyo pa rin pala iyan?” tanong nito.  “Sweet.” “Sabog na iyang labi mo kaya tumahimik ka na.” “Dalhin mo na lang ako sa clinic namin.” “Saan ba iyon?”  Inalalayan na niya itong makatayo saka nilingon si Genil na tila prinsesa ng nakaupo sa silya at nanonood sa kanila.  “Alam mo  ba kung saan ang clinic nila rito?” “Oo.” “Puwede mo ba kaming ihatid doon?” “Huwag na,” singit ni Daboi saka siya inakbayan.  “Doon na lang tayo sumakay kay Voltron.” “Voltron?” “My beautiful horse.”  Itinuro pa nito ang kabayo.  “Mas mabilis tayong makakarating ng clinic kung doon tayo sasakay.” “Huwag kang maniniwala sa kanya, Arianne,” wika ni Genil.  “Pipikutin ka lang niyan.” “Shut up, Genil,” saway ni Daboi.  “Gusto mong isumbong kita kay Ricos?” “Tuslukin ko gid ya imo nga kalimutaw karun ma…” banta nito saka ibinalik na ang atensyon sa pakikpag-usap sa cellphone. “Ano raw?” “Tutusukin daw niya ang mga mata mo.” “Ah.” “Hindi mo alam iyon?  Akala ko Bisaya ka rin.” “Yes, but I grew up in Manila.  Kaya kaunti na lang ang alam ko sa Visayan vocabulary.”  Hinaplos nito ang katawan ng kabayo.  “So…galit ka pa rin ba?” Naramdaman niya ang tila pag-iiba ng direksyon ng t***k ng kanyang puso nang bumaling ito sa kanya.  That face…those eyes…that smile…It all adds up to make her system go haywire just by looking back at him.  Umurong uli siya palayo rito ngunit napigilan na siya nito nang akbayan siya nitong muli. “Saan ka pupunta?  Tinatanong lang naman kita.” “Hindi na ako galit.”  Pumiksi siya upang makawala rito.  “Nakaganti na rin naman ako sa iyo.  Pero kapag inulit mo pa iyon—“ “Nah, I won’t do it again.  I promise.”   She wasn’t sure why she that little promise of him calmed her even more.  Tila sa isang iglap, nakalimutan niya ang anomang galit dito.  Nauna na itong sumakay uli ng kabayo nito bago nito inilahad sa kanya ang isang kamay nito.   “Let’s go, pretty lady.” He was smiling down at her as he waited for her to take his hand.  Pakiramdam niya ay daig pa niya ang isang prinsesa nang mga sandaling iyon na hinihintay ng isang prinsipe.  Kahit kailan ay hindi pa siya nakaramdam ng ganitong pagpapahalaga mula sa isang taong ni hindi nga niya lubos na kilala.  Si Ericson noon, inaasikaso siya.  But he never made her feel this…special. Ginapang ng kaba ang kanyang dibdib.  Kaya umatras siya palayo rito.  kitang-kita niya ang matinding pagtataka sa mukha nito.   “Magkita na lang tayo sa clinic na sinasabi mo,” aniya na tuluyan na itong tinalikuran.   “Arianne—“ “Magpapahatid na lang ako roon kay Genil.” Binalikan na niya pinsan nitong abala pa rin sa panonood sa kanila.  Naiiling na lang ito nang sabay na silang magtungo sa kotse nito.   “You know, kung ayaw mong ma-involve kay Daboi, ang mabuti pa ngayon pa lang ay lumayo ka na sa kanya.” “Hindi ako mai-inlove sa kanya—I mean, involve pala.  Sorry—“ Tumawa lang ito.  “Hindi kita masisisi.  Madali nga namang mapagrambol ang involve at inlove.  Ewan ko nga lang kung paano nangyayari iyon.” “Genil—“ “Okay.  You don’t have to explain anything.  Hayaan mo na iyon.” Wala na nga itong sinabi pa tungkol sa pagkakamali niya habang bumibiyahe sila papasok ng club proper.  Marami pang magagandang tanawin ang makikita sa pinakaloob ng Stallion Riding Club.  Subalit wala na roon ang kanyang atensyon.  Na kay Daboi na uli. “Daboi?!” gulat niyang sigaw nang makitang humahabol sa kanila ang binata, sakay ng kabayo nito.  Ilang sandali lang ay nakaagapay na nga ito sa sasakyan nila.  “What the hell are you doing?” Imbes na sumagot ay nakangiti lang siya nitong kinindatan.  She felt an invisible lightning struck her heart as she watched him galloped side by side with their car. “I told you,” wika ni Genil.  “Kung ayaw mong ma-inlove sa kanya, lumayo ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD