(NAYA) “ANG abogado ang naroon sa paglabas ni Mr. Pedeglorio. Papupuntahin ko na lang si Vener para siyang sumundo sa Ninong mo pauwi rito.” Nakangiti akong tumango sa sinabi ni Eric. Gusto ko sanang kami ang sumundo kay Ninong Marty pero, hindi pwede. Bukod sa may appointment kami ni Eric sa OB-Gyne sa araw na iyon, may bilin si Ninong Marty na h’wag na raw akong sumama sa pagsundo rito. Ayaw nitong ma-expose ako sa ibang tao sa kondisyon ko. Magkikita rin naman daw kami kaya ayos lang na rito ko sa siya sa mansion hintayin. Sobrang saya ko dahil pagkatapos ng ilang linggo mula nang arestuhin siya sa airport, makakasama ko na ulit si Ninong Marty. “Thank you, Eric. Kung hindi sa tulong mo at sa paniniwala mo na inosente si Ninong, magiging mahirap sa akin na mapalabas si