WALANG nakita ang mga guards nang mag-round ang mga ito sa buong mansion. Ni-review ni Eric ang lahat ng CCTV footages sa bahay pero walang nakita ni palatandaan na may nakapasok na ibang tao. Wala silang nakita ni bakas pero, alam ko sa sarili ko na meron. Maaaring anino lang ang nahagip kong tila nagtago sa column pero, hindi guniguni ang singhap na narinig ko nang magbasag ako ng baso. “Don’t worry, magpapadagdag pa ako ng security,” ani Eric para mapanatag ako. Hindi ko na iginiit ang nasa isip ko. May tao o wala, alam ko naman na dapat kaming mag-ingat at h’wag makampante dahil hindi pa nahuhuli ang kaaway. Natulog akong yakap-yakap ni Eric kaya kahit paano ay nalimutan ko ang takot. Kinabukasan ay nagisnan ko si Eric na may kausap sa cellphone niya. Nang tingnan ko ang digital c